Tuesday, April 28, 2015

it's that time of the year again

let me just say. 
ang HIRAP mag-isip ng konsepto.
specifically, konsepto para sa soap. 

akala ko noon, brilliant na yung nakakaisip ng konsepto para sa isang pelikula in one sitting.
pero after the last 5 years... narealize ko na kung workload ang pag-uusapan, di HAMAK na mas mahirap magsulat ng soap kesa pelikula. 

ang ironic lang dun, mas may prestige sa pelikula. 
ang counter-irony... mas may pera sa soap. 

so in the end, patas lang siguro. 

whatever. 

it's that time of the year again. no, not my birthday. (but on a side note, i'd like to thank the Good Lord for another year. sana marami pang years to come. gusto kong maabutan ang mga apo ko sa anak ko... 20-25 years from now).  it's the... annual konseptos thingie. on top of all the work to be done for the currently grinding projects.

waterloo ko ang konseptos, among other things. i hate having to think of these things. pero it's part of the job. you gudda do what you gudda do. kaya eto ako, naghahanap. nag-iisip. nakatunganga. 

ano kaya??? ano????? ano?!!?!?!?

Tuesday, April 07, 2015

fantasizing about the mistress again

gusto ko nang matapos ito, dahil naghihintay si NEMO. may mga naghihintay sa kanya. na posibleng maging klliyente.

pero hindi naman pwedeng daanin ko sa harabas, kahit basura kalabasan. that's why i'm suffering internally. i need to finish something passable. yung hindi nakakahiya. pero god knows i just want to get this over with. so that i can frolic with the mistress without worrying about the wife.

so many ____. so little time.

Monday, April 06, 2015

like a jilted lover

iba ang sakit nung minsan naging "kayo", tapos nawala sa yo.
yung tipong kahit limang minuto lang, naranasan mong mahalin ka nya. kahit papano.

then he or she becomes "the one that got away".

iba ang the one that got away ko. di tao, di hayop.

* * *

kung babalikan mo lang ang isang former flame dahil lang na-challenge ka, huwag na.

magiging parang tulad lang din yan ng dati.

parang wala kang pinagkatandaan o natutunan.

anyways, kung magkakaboses lang sya, at isa itong pelikula, marami syang isusumbat sa iyo.

anong problema mo, eh hindi mo naman ako ipinaglaban noon? ikaw ang sumuko, hindi ba?

at tama naman sya.

ang greatest lesson na natutunan ko sa kabanatang iyon ng buhay ko... at the end of the day, what will really matter is that you have been a good person.

and i'm not sure if going back to that one that got away would make me a good person at all. ang biggest fear ko, is that it would bring out the worst in me.

* * *

i long for the simple life.

simple life, financially-free.

yan ang totoong pangarap ko.

all the rest are just memories of my youth.