Saturday, May 26, 2007

love the rain

the virus plague at home has waned. goin home on june 1, just to be sure.

ah, rainy days. i love them. i know the producers behind the movie shoots hate 'em (especially when the shoots are outdoors and daylight is required), but i love them still.

i miss my dsl. my life, before the virus hit. haha. but just to be safe and sure. better be such than suffer drawbacks.

hay! sana lang lagi akong ganyan mag-isip sa lahat ng bagay ano. anyway, nami-miss ko nang magsulat. ng peli-pelikulahan. lagi ko na lang sinasabi, pero lagi rin akong nakakaisip ng excuse to postpone doing it.

ewan. sa ngayon i live life by the day. siguro nasa mood lang ako ng pagkawalang foresight, for the meantime. kakatamad. sana monday na para makapag-Day 3 na kami uli sa pelikula ni direk.

pero happy ako kasi sunday bukas. basta.

i've gone back to reading books. yey.
last movie i'd seen was "the usual suspects". i'd seen it two dozen times in the past ten years but the last time i saw it i was still held rapt, from credit to credit. galing talaga ni kevin. sana straight na lang sya.

two days ago me nakasalubong na naman ako, dalawa pa nga sila, on two separate occasions but on the same day. Blessings-that-Came-a-Little-Too-Late ng not-so-distant-past. nakakatawa, kasi the other one even pulled a funny antic on the first one. talk about rubbing it in. haha.

i can't say i liked what he did but i can't say i didn't, either. but what he didn't know was that he had just become my accessory. that is, if i were the person i was seven, eight months ago.

pero marami nang nabago na sa kin since eight months ago, kaya immaterial na rin. amusing pa rin, though.

Thursday, May 24, 2007

all-nighter blues

puyat.
praning.
uber in love.

i'm a nutcase waiting to be discovered, really.
sana wag na. hehe.

* * *

arghhh. gusto ko na uling gumawa ng sarili kong pelikula!

Friday, May 18, 2007

newborn nomad

hay. and such is the life.

still temporarily living away from home.dume-depress-depressan. feeling lost and rootless and all that ka-dramahan.

hayyy. miss ko na kapatid kong mataba.

first day of shoot ng baby project ni Favorite Direk the other day. from 7 am til 6 am the next day. ang init sa set, para kaming nasa sauna bath buong maghapon at gabi. scheduled scenes for the first day included a blow job scene in the afternoon and a torrid bed scene in the evening. na-donselya na ang mga mata ko nung shinu-shoot namin ang Baguio Bold Movie last November kaya parang wala na lang sa kin. pero at least dito gumamit sila ng proteksyon (i.e. leukoplast) para sa mga artista during the naked bed scenes.

when i came to the set that morning i saw our director from the Baguio Bold Movie. surprising. turns out na talent manager pala sya nung isa sa mga bida namin. "Staff ko rin yan," Direk1 told the Favorite Direk, referring to me.
to my surprise, Favorite Direk (FD) replied, "Magaling yan!" huwaw. sobrang na-overwhelm ako sa sinabi nyang yun. because his opinion matters to me so dang much. because what he thinks can affect me in ways that other directors' opinions would not.

mahusay na sana ang araw ko, salamat sa compliment na yon, kaso nagkaroon ako ng continuity error for one shot. at dahil sa error na yon kinailangan naming mag-set up uli ng camera at i-reshoot ang shot. arghhhh. the worst feeling in the world at that moment. sinong "magaling", direk? sasabihin nyo pa ba yan sa kin pagkatapos ng shot na to?

syempre nag-sorry ako. at tinanggap nya nang maluwag, dismissing it easily. actually hindi naman sya big deal, pero big deal sa kin. tanggap ko na ang nature ng trabaho ko. mapapansin lang naman ang trabaho mo pag may mali ang continuity. for the dozen things na ginawa mo ng tama, yung isang mali naman talaga ang magsa-stand out. kasi ganun e.

in fairness, challenging sya sa kin. kaya kahit alas-6 na ng umaga at lupaypay na ang kaluluwa ko pauwi galing sa shoot, alam kong itutulog ko lang. medyo saturated ako sa project after those intense 24 hours pero alam ko babalik ang enthusiasm ko. sana hindi magbago.

hay. gusto ko nang umuwi sa bahay. lumipat na ko sa bahay ng mga kaibigan pero miss ko na talaga bahay namin. punyetang bulutong kasi yan. grrrrrrwwwl!

* * *
still praying the same prayer, everyday. hindi perpekto ang buhay pero masarap pa ring mabuhay. :-)

* * *
i bumped into three former "crushes" this afternoon. haha. two of the three, i actually got to chat with. one of them was the Rapper Dude, whom i hadn't seen in person in quite a while.

funny, because during those three chance encounters i was with BK. haha.

Monday, May 14, 2007

oops, beeyatchy

reading back, parang napaka-bright and sunshine-y ng mga past few entries ko, compared to the usual. nakaka-miss mag--b1tch. haha.

so here's somethin to b1tch about. one, two, three little b1tch-worthy things.

one, i learned two days ago na official chicken pox outbreak zone na ang bahay namin. after the first bulutong case, may nahawa na namang isa. nyeta. na-bad trip talaga ko! kasi sobrang thankful na nga ako na magaling na yung pinsan kong nagkabulutong, eto naman yung kapatid nya ngayon. putcha, dalawang linggo na naman to.

ayoko talagang magkabulutong. sino bang gusto di ba. kaya nag-evacuate ako asap. kebs na kung isipin ng nanay ko na OA ang reaction ko. kebs na kung magbayad ako ng P75 a day for the next several days for a cramped little room at the heart of Krus na Ligas (KNL). kesa naman magkabulutong.

it wasn't the first time that i lived away from home. dalawang beses ko na syang ginawa sa tanang life ko, nung opis girl ako sa st@r c1nem@ at nung naka-house arrest ako sa bahay ni k0ya. pero on my first night sa bago kong tirahan sa KNL, na-realize ko kung bakit each time naga-attempt akong bumukod ng tirahan, lagi akong bumabalik sa family home.

homesick-prone akong tao. sobrang attached ako sa pamilya ko. kahit bad trip ako dahil natatawa sila sa ka-praningan ko over the bulutong outbreak, 1st night pa lang miss ko na sila. haha. lalo tuloy akong nainis sa sitwasyon. cause i resent having to go to these extremes--gumastos, magbalot, maglipat, mabuhay mag-isa--dahil lang sa bulutong. arggggh.

wala. wala pa ring tatalo sa bahay namin. kahit madalas akong wala don. sa bagong tirahan ngayon (for the next four days), walang matabang kapatid pwedeng kulitin. walang DSL internet. walang makulit na 3-yr-old na sasawayin. walang nanay na mangungulit at mananaway sa kin. walang pusang-named-Dolly Dede na pwedeng yakap-yakapin. walang lutong bahay. walang tawag from overseas sa tatay na laging nagtatanong tungkol sa love life ko.

haha. siguro masyado lang akong attached sa pamilya ko, way too attached, considering my age. wala lang. ganon e. siguro nga yung iba sa gantong edad meron nang mga sariling pamilya, pero retarded kasi ko. feeling 20 pa rin ever. feeling nagdadalaga. haha chos.

anyway, 2nd night ko ngayon sa bagong tirahan. in four days lilipat ako sa bahay ng tatlong kaibigan ko. isang linggo. harinawa by last week of may eh okey-okey na ang hangin sa bahay. hay kainis talaga. sana wala nang ibang mahawa. dahil hindi ko yata keri ang another two weeks away from home, pagkatapos ng two weeks na to.

isa pang b1tch-worthy thingie. actually nadamay lang to sa pagka-bad trip ko over the chicken pox issue. sa lahat ng items sa D&R ng isang scriptgirl, dubbing talaga ang pinaka-hate ko. ewan ko. nasasayangan lang ako sa oras na nakatunganga. di ko feel tumunganga at mag-check ng dialogue. lalo na kung wa naman pay. buti kung mataas ang overall sweldo di ba. why not. pero kung laos na nga ang overall TF mo tas walang dubbing allowance, olats ka na masyado dun. somebody ought to address this. kasi kawawa naman mga utaw na olats na nga sa TF, kelangan pang gumastos ng pamasahe.

di lang yun. boring kasi talaga ang maupo sa dubbing. as in. napaka-minimal kasi ng participation ng scriptgirl dun. kung may hindi maintindihang dialogue, tsaka lang sya kelangan. kadalasan maayos naman ang guide sound. kadalasan nasa script naman ang revisions. kaya kadalasan, tunganga factor talaga.

eto ka. ang bad trip lalo dun, kung napaka-short notice ng pag-iinform sa yo tungkol sa schedule ng dubbing. as in, the night before. pano kung me iba kang naka-schedule sa araw na yon, not necessarily trabaho? syempre mag-aadjust ka. kasi trabaho pa rin yun, technically. between family/jowa time and trabaho, syempre isasakripisyo mo ang former.

pero eto talaga ang piiiinaka-BT. ang layo ng bahay mo ano. pupunta ka sa kabilang siyudad para maupo at tumunganga. late ang ta-artits na magda-dub. isa, dalawa, tatlong oras ang lumipas, wa pa rin sya in the premises. hanggang sa finally, confirmed nang di sya dadating. kumusta naman yun? kumusta naman ang oras na nasayang sa pagpunta mo all the way from the other side of the metro, ang pamasahe/gasolina, ang panahon na sana eh nilalalaan mo na lang sa ibang bagay?

wala lang. alam kong it happens. it's part of the job, whatever. gusto ko lang naman maghinga ng pagka-bad trip. kasi dalawang linggo akong maa-uproot sa nakasanayang living environment. kasi dalawang linggo yata akong labor-now, pay-later ang drama (for the love of and what-reasons-have-you). kasi gusto kong makaipon nang mas malaki para sa isang bagay na gustong gusto ko talagang makuha. hay word of honor. mali nga siguro ang naging desisyon ko. masyado kong naging loyal.

hay. wheels! yun ang gusto kong makuha!
isang high-profile movie project na uber-laki ang budget at hindi ka babaratin sa TF! gusto ko rin yon!
AD-ing for TV! why not!
cebu cebu! sana matuloy!
my own movie project na ako ang nagsulat!
my own movie project na gusto ko ang pagkasulat!
directing workshop!
another short film!
a movie project to be shot abroad!

hay. wish ko yan lahat.

for now, papasalamat na lang ako. dahil kahit hindi perpekto ang buhay, mabait pa rin si god.

at least wala akong bulutong.

knock on wood. :-)

Friday, May 11, 2007

wishing, hoping, praying

inanities. mundanities.
these past ten days my schedule has been light. nung first few days masarap. pero ngayon nagfi-fidget na naman ako. parang gusto ko nang hatakin ang mga araw para tumilapon na naman ako Out There.

anong mga ginawa ko these past few days? aside from the occasional shoots (na hindi naman ganon ka-haggard), i spent most of the week getting paranoid over chicken pox. meron kasing nagkabulutong sa bahay namin. eh hindi pa ko nagkabulutong ever (at wala akong ambisyon magkaroon, ever!), kaya mega-laklak ako ng vitamin C at centrum. as much as possible din ayokong maglagi sa bulutong danger zone, kaya kadalasan wala ako sa bahay.

pagdating ng 3rd week of may babalik na naman sa dating gawi. this time, para sa baby project ng paborito kong Direk. isa lang ang cause-of-rue, as usual. more time for work, less time for the other aspects of my existence. nothing to fret over, though. i know schedules will work themselves out.

happiness. my sole prayer. in all aspects, in generous doses, for the rest of my life.

:-)