last week was relatively work-free. this week naman ako binawian ng universe.
up until 3 am this morning, i'd been writing non-stop since friday afternoon. dalawang episode scripts kasi ang na-assign sa akin. tapos biglang pina-stretch ang 2 eps to 3. what was originally a "revision" turned out to be much bloody more laborious than our draft 1. at least for me.
kasi, ang nakagisnan kong pagsusulat since january 2008, you sit down to write with a solid treatment to begin with. kaya siguro nahirapan ako. dahil given the deadline na super-tight, dalawang proseso ang pagdadaanan ko---treatment, then writing. light-duty work ang kinagisnan ko, sunday afternoon show style. kaya ngayon tuloy napag-isip isip ko kung kaya ko bang mag-survive pag dumating ang araw na ma-deploy ako sa isang show na heavy-duty lagi ang work required of me. sige, saka ko na iisipin. mas priority ko ang matulog kesa mag-worry o mag-proseso ng mga bagay-bagay.
pero gusto ko munang i-immortalize ang past 3 days, so pardon me po.
friday afternoon, i started early, kasi na-anticipate ko nang mabigat ang workload. nakatapos ako ng isang body by 5pm. at 5pm, biglang nag-brownout. buyshet! badtrip talaga ko! ilang oras din akong nakatunganga dahil eventually na-drain ang battery ni Goldie (laptop ko). depressed. alam ko hindi ako aabot sa deadline, kung 2 scripts ang isasubmit ko. kaya ko ang 1, but not 2 on a 1-day deadline.
so nag-isip agad ako ng paraan. tinawagan ko ang headwriter ko. kinonsult ko sya about an idea. in the middle of the conversation, nasabi ko sa kanyang brownout sa amin, kaya binigyan nya ko ng extension para sa 2nd script. tapos, 5 minutes later, sabi nya baka pwede mo nang gawing 3 scripts ang 2. ikaw na ang bahalang mag-restructure. sunday pa rin ang deadline.
okay na sana ang sunday. kaso nakapangako ako kay bosobear ng sabado night. sabado night lang sya free dahil sa show nyang demanding sa oras (haha, bitter?), and after sabado hindi pa sigurado kung kelan sya magiging free ulit.
i decided that i'd meet up with bosobear on sabado night pa rin and resume work when i get home later. risky yun kung meeting deadlines ang pag-uusapan. practical me would've cancelled the date and used the time instead to write. but that's love. haha.
5pm saturday ko na natapos ang 1st script. wala pang tulog, stressed out sa kakamadali, as soon as i pressed the SEND button to email the script dumiretso na ko for a bath, dressed up quick, and went to SM North where i was to meet bosobear. puyat, pagod, pero happy pa rin to see him after more than a week. dinner, coffee, and i was home by 1 am. balik agad sa pagsusulat. until the wee hours of monday.
those 30 hours were hazardous to my health. really. i could no longer keep track of how many yosis and cups of coffee i had consumed during that time. hindi ako makakain. may mga times na feeling ko hindi na ko makahinga. sumasakit ang katawan ko all over, and for the first time my body was demanding a massage. (mental note: try to get a massage after 3rd script) hindi na ko makausap nang matino, dahil parang wala na kong naririnig.
naisip ko, kung hindi ako nakipag-date nung sabado, hindi mangyayari ito. and to think na 2 scripts pa lang yun. may pangatlo pa. heavy dutied ako, pero sa soaps nga na iba, isa lang ang writer, at sya ang magti-treatment/scripting for an entire WEEK. ako, three days lang. so i guess...magandang training na rin ang mangarag nang ganito. haha.
at 3am kanina, my headwriter called and asked, na-submit mo na? maganda ba ang 2nd script mo? jusko, parang gusto kong tumawa at umiyak. honestly, hindi ako masaya sa nagawa ko. pero quality has taken 2nd place to speed, like how it always does, come ipitan time. so sabi ko, bahala na po kayo. at least, isang ire na lang, tapos na ang bowel movement ko for Week 11 ng k@t0rse.
went to bed at 4am, woke up at 8. naiinis ako dahil i was ready to sleep for a full 8 hours, pero nagising ako nang maaga. hay. pero okay lang, kasi paggising ko, kumain ako ng isang masarap na malaking breakfast, at ngayon nagre-relax ng konti bago magtrabaho uli. huhu. sana lord masulat ko naman ng matino itong pangatlong script na to. please please. sobrang sabaw na kasi ako nung sinusulat ko ang 1st two.
No comments:
Post a Comment