magaling talaga ang diyos. he knows how to traffic our lives in ways that will ultimately do us all good.
tulad ngayon. work is light, and the soap we're cooking up isn't as stressful to do as the previous soap we'd done. one year ago, i would've been restless, listless, bored. but now i consider it a blessing. because i get to have more time for my baby. siguro okay na yung until after the christmas holidays. kasi baka naman masyado nang maburo ang utak ko pag extended vacation from busyness. nakakamiss din namang maging hectic ang buhay.
three months na si aysie. marunong na syang tumititig sa mga tao, na para bang nangsisino, nage-estima. marunong na rin syang ngumiti at will, kapag friendly face o familiar face ang nakatapat sa kanya. she can coo and make these delightful baby ga-ga sounds every now and then, and it never fails to make me laugh. every day she's looking more and more like her father at nagpapasalamat naman ako..dahil para sa kin guwapo naman ang mister ko. haha. (sana lang wag maging KC case ito...yung parang babaeng gabby).
on the nega side, nakaka-6 or 7k na yata kami sa vaccines at pedia visits nya. and there's more to come. soon kailangan na rin syang pabinyagan...magfifirst birthday na rin siya...eventually mag-aaral na rin sya...walang katapusan ang gastos. kaya naisip ko, we can never really save enough. kailangan walang katapusan din ang pag-iipon dahil from now on wala na ring katapusan ang gastos. ganyan pala ang buhay kapag may anak ka na.
kaya i will it. i will for more money to come. nang hindi naman ako masyadong mai-intoxify sa araw-araw na buhay. or pwede rin, basta sa takdang panahon. basta alam naman ng diyos kung anong makakabuti para sa lahat. i trust in him completely.
one more thing to look forward to: aysie's first christmas. malamang hindi pa nya maaalala to but i'd love to immortalize it in pictures and show them to her when she's old enough to appreciate it---hey anak, this was your first christmas on earth. haha. kahit nga itong blogsite ko, god-willing na meron pang blogger.com in ten or fifteen yeas, ipapabasa ko sa kanya for a blow-by-blow account of her childhood. haha. the wonders of technology.
No comments:
Post a Comment