a co-writer of mine suffered a stroke the other day. i was so rattled and worried for her especially these past two days, dahil ang unang balita, multiple-vein aneurysm daw. wala akong ibang ma-utter kundi the same short prayer--lord, please save her--dahil kaibigan ko ang co-writer kong ito and i couldn't bear the thought of worst-case scenarios. mabait ang diyos, dahil kahapon ng umaga nagising na sya and she seems lucid, and contrary to initial reports, single-vein aneurysm lang pala ang naganap. still, i keep praying. that she will get well, kahit na slowly but surely.
stress over a deadline, poor diet, sedentary activity. feeling ko yun ang nakadale sa kanya. right now naka-check ang two out of three items sa listahan ko. not much exercise, hungry hen ang drama ko these days. pero hindi pa dumarating ang stressful days, happy pa ang buhay sa ngayon, which is what i'm starting to fear. na baka pagdating ng panahon na ako naman ang sasabak sa ganong klase ng buhay, mahirapan ako nang sobra. to the point na magsuffer ang health ko.
hindi pwede, dahil kelangan pa ko ng anak ko. kelangan pang mabuhay nang matagal, kelangang laging healthy. kaya lord, okay na po ako sa balanseng buhay. di ko na po kailangang maging super yaman o super laki ang paycheck, kung kalusugan o buhay naman ang kapalit.
No comments:
Post a Comment