sabi ni mareng susan pinakswerteng month ko daw ang june. ayokong maging nega, pero hanggang ngayon naghihintay ako ng TA-DA!!!! moment. first week of june, highly emotional dahil sa pagkamatay ng hipag ko. second week of june, tadtad sa trabaho at may bagong stressful change sa homeplace which required me to adjust my working habits. kaya walang momentum. nakakalorky.
ngayon third week of june na, ganun pa rin, counting the days til i can get back to my old working habit (that is, working with yosi in my fave place any old time I want to). at napaalalahanan (?!) na ko kahapon ng CM ko re my deadlines. dahil sa dami ng mga little thingies na nagpile up nang sunud-sunod, parang gusto kong kumalas emotionally and mentally, parang gusto kong mag-hang at magplay hooky for a moment, stop the rapidly spinning world and steal a moment to have yosi. it's bad for my health and it's deadly, but it's my totem. my anchor to sanity in the most kakalorky of times, these days.
ang hirap pa ring pagsabayin ang pagiging ina at pagiging trabahadora, pero keri lang, sige lang nang sige. worst fear ko ang hindi ako makilala at makasanayan ng anak ko habang lumalaki at nagkakaisip sya kaya't hangga't maari hangga't kaya, siya ang pinaprioritize ko. hence, the missed deadlines. the delayed submissions. the paghahapits and everythang. owell. tapos na ang mga araw ng pagbubulakbol. time to get back in line and fess up.
dahil mid june na at sabi ng mga bituin, it's my time to shine. haha. sanahhh. pano kaya? mag-glittery blouse kaya ako sa susunod na meeting?
taas ng frustration level these days sa working setups and all. pero nilulunok ko na lang. niyoyosi ko na lang (nang patago). sana lang magpay-off ang lahat with ka-chings and ba-blings (may target savings akong gustong maabot at malayu-layo pa ang iipapag-ipon ko). bukod pa don, gusto kong gumaling. gumaling na tunay. galing na wagas at walang kwestyon.
galing at bilis. give it to me universe. galing bilis at mahaaaaabang pasensya. malaaaawak na pang-unawa. and yes, a little extra extrovertedness. pero optional na lang po yung huli. salamat po lord. sa anak kong mabait at matalino at maganda. hehe. sa asawa kong pinagmanahan ng anak ko. sa asawa kong totem ko din sa mundong ginagalawan ko ngayon. salamat po sa buhay ko at wala na po akong mahihiling pa bukod sa pagpapatuloy ng kung anong meron ako ngayon. (and that target savings account, hehe).
thank you, thank you, thank you lord. sana maging masaya at glorious nga talaga ang june onwards para sa akin. :-)
No comments:
Post a Comment