Saturday, August 06, 2011

crazy day

yesterday was a crazy day. 1 powerpoint to rush and i didn't have the faintest idea how to revise it. 1 long pitch to "memorize" but my mind was preoccupied with the powerpoint i still had to do. 2 weeks' worth of scripts to revise in time for monday, but since monday pa yon, inuuna ko muna yung mas urgent. pero ang hirap ng conceptualizing level, lalo na kung lost ka na sa directive na susundin mo. sa direksyong tatahakin mo. lalo na kung mag-isa ka lang. at lalo na kung may babygirl ka na may separation anxiety from you dahil nangingilala pa sa bago nyang yaya. at lalong lalong lalo na kung may trangkaso, sipon at ubo ka habang kailangang gawin lahat ng ito.


at eto pa...kelangan mo ring maglipat ng gamit sa kabilang bahay dahil sa monday, darating na ang may-ari ng bahay na tinitirhan mo sa ngayon. 1 month kang magiging nomad. and with so many things to do, wala ka pang nalilipat ni isang piraso ng gamit. dahil hanggang sa kahuli-hulihang minuto ng araw na yon, nasa conceptualizing level ka pa rin. lost pa rin. caught in a freezeframe, watching the TTDs zooming around and over you. nagreverse reaction ka. instead of panicking towards action, nag-hang ka.

pero lahat pala talaga--or most, at least---may dahilan kung bakit nangyayari. di ko maintindihan kung bakit somehow hindi ko matapos-tapos ang conceptualizing part ng powerpoint na yon. yun pala, hindi rin ako pagpepresent-in today. thank you lord. kahit nginarag ko ang sarili ko all day all night sa kakaisip, at prepared na kong mathumbs down kanina dahil hindi ako masaya sa lumabas. thank god talaga.

thank god din kahit kanina, may blooper na naman ako sa harap ng mga bossing as i was making my story pitch. sa kalagitnaan ng presentation, i went into another coughing fit. it was so bad i couldn't continue, and my headwriter had to step in. kakahiya. kakadiri. kakahiya! inabutan na ko ng tubig ng CM namin. nakakahiya talaga, dahil hindi yon ang first time na nangyari sa akin yon. the last time, our superbossing was covering his mouth in disgust. ARGH! gusto kong mamatay sa hiya.

thank god pa rin, dahil kahit ganoon ang nangyari, naapprove ang concept namin. yehey! sana tuloy tuloy na ang approval hanggang sa kataas-taasan.

now that that's done, time to move out. and face my script revisions. yahoo! i love this project. i love remembering the times when i was young.

sana maging masaya ang weekend na ito. i'm bracing myself for one month of drastic changes dahil sa bagong living setup. hay. isang buwan lang naman. mabilis lang yan.

No comments: