pero ganun talaga. yun ang gusto ng mga "customers" namin. and the customer is always right. magluto ng putaheng angkop sa panglasa ng mga kumakain sa karenderya mo.
kaya namiss ko tuloy yung tinatrabaho namin nung 2015. it's really sad na hindi uso sa ngayon ang mga ganong kwento. yung light at masaya, kilig, pero in many ways makatotohanan. walang mahirap vs mayaman, walang twist na mag-ina pala o magkapatid. i'm uncomfortable working on a story that operates on a different kind of "reality". kasi sa totoong buhay, wala naman talagang magpapakidnap ng tao basta basta.
pero pera, pera. kung ano ang gusto ng customer, ibigay na. para may pera, pera.
and along the way, hanapan natin ng joy ang tinatrabaho natin.
thank you, Lord, for promising possibilities for the remainder of 2017. thank you Lord, for the opportunity to work and earn.
No comments:
Post a Comment