second week of december. nasa holiday mood na ang karamihan. Ang gusto ko lang, magpahinga. isa o dalawang linggo na walang trabaho, walang iniintindi. Hindi ako nagmumulti-tasking these past few days pero haggard pa rin. nagpi-prepare kasi kami para sa isang "indie" film na magsisimulang mag-shoot right smack in the middle of the Christmas season. Haha. Kumusta naman yon? Good luck, di ba?
less than isang linggo na lang ang (supposedly) natitira pero hanggang ngayon, hindi pa solid ang script, hindi pa kumpleto ang casting, at kung anu-ano pang aberya na pampasakit ulo talaga. Mas advisable sana kung imu-move na lang ang shoot after the holidays. Pero ayaw pumayag ng producer/direk, kasi baka daw mag-backout na yung investor na ready nang mag-shell out ng pera for next week. Kung akong tatanungin, given the state of things, kung investor lang ang problema, kebs na sa investor. Kesa naman mag-shoot ka ng first feature film mo na bara-bara at ill-prepared kayong lahat. May investor ka nga, in danger naman ang kalidad ng pelikula mo. At in danger din ang pera nya. Hindi lang naman iisa ang investor sa mundo. kung polished at maganda talaga ang materyal, at desidido kang ilako ito sa mga koneksyones mo, surely makakahanap at makakahanap ka ng iba.
Kesa naman ganito. Kakainis.
kasama sa trabaho ko ang gumawa ng shooting schedule namin. First time kong gumawa ng shooting sked for a feature-length, at masakit pala sa ulo. Six days, 70-plus scenes, with an average of 13 scenes a day. With a first-time director, and most scenes happening during the day. Ang normal number of shooting days ng isang feature-length film ay 20-29 days. kami anim. dinaig pa ang pitu-pito ni M0ther L1ly, shet! pero understandable lang yon, kasi “indie” film ito, alam naman nating given na ang shooting schedule na masikip. Kaso biglang nagkaroon ng "artista" considerations. Gusto nilang kumuha ng mga artistang may pangalan, kasi daw pag may pangalan mas madaling i-market. Ah, okay. Kahit naturingang "indie" ang pelikulang ito, may “marketing” factor din palang kasali. Umaabot na sa puntong para makuha lang ang may-pangalang artista, kelangan naming i-adjust ang buong schedule para matapat sa availability nya, na syang isa sa mga kinakaiinis ko. Hindi lang dahil mahirap mag-construct at magbaklas at mag-construct uli ng shooting schedule, kundi dahil sa whole idea na ginagawa namin ang lahat ng ito para lang sa artista. kung mainstream, maiintindihan ko.
pero "indie" 'to, di ba?
pero hindi pala ito yung “indie” na nakasanayan ko. Ang “indie” na alam ko, yung pelikulang ginagawa hindi para pagkakitaan. Ang “indie” film na alam ko, yung mga tipo ng pelikulang hindi gagawin ng mainstream dahil producers don’t think the material is “marketable”.
yun ang alam kong “indie”. aesthetics-driven. gagawa ka ng pelikula, kasi meron kang gustong sabihin, o ipakita, at gusto mong malayang magawa ito without having to deal with creative compromises and marketing considerations na dini-dictate ng mainstream industry. gagawa ka ng pelikula, because there are stories that are simply begging to be told, stories which may not have big stars or other elements that the mainstream bigwigs will deem “marketable” to moviegoing audiences, but are substantial stories nonetheless. substantial stories that can potentially become beautiful films.
pero yun nga, reality bites. dahil "in" ngayon ang indie, nagsasanga-sanga na ang little sector na kilala natin bilang “indie". Although literally ang ibig talagang sabihin ng indie eh yung independently produced films outside of big movie outfits, may mga “indie” filmmakers rin pala na parang mainstream mag-isip. ang difference lang nila sa St@r Cinema, Reg@l, at Viv@, eh mas konti ang pera nila. mas maliliit ang grupo nila, mas maigsi ang mga galamay nila, mas konti ang tao, pero ang end goal, basically ganon din. ang kumita.
nalungkot ako sa nadiskubre ko. kasi isa sa mga rason kung bakit ako pumapayag magpaalipin kapalit ng kakarampot na pera tuwing may project na ganito ay dahil naniniwala ako sa spirit ng “indie” as I know it. dahil overwhelmed at inspired ako sa success ng Maximo Oliveros, Kubrador, at Donsol. Dahil naniniwala akong importanteng makagawa ng mga pelikulang maaring hindi bumenta sa takilya o pagkakitaan ng mga gumawa, pero may kabuluhan. pero hindi pala lahat ng “indie” eh ganon ang intensyon. kaya lang sila sumusukob sa label na "indie" eh dahil hindi sila maka-infiltrate sa mainstream for some reason. yun ang talagang nakakalungkot. kasi, in a way, they give “indie” a bad name.
wala naman akong problemang personal sa mga katrabaho ko. wala kong masabi sa kabaitan nila, at natutuwa din ako sa tiwala at confidence na binibigay nila sa kin. kaso, bukod pa sa marketing considerations nila, magulo din ang proseso nila. pagdating sa proseso at sistema, dun naman ako bow sa mainstream. mas efficient dahil matagal na nilang ginagawa, mas sanay na. actually forgivable pa ang inefficiency basta ba noble ang intentions. kaso yun nga. hindi ko din masakyan, kahit creative sensibilities ng direktor. masyadong makamundo. parang hindi sila pareho ng vision ng writer. ewan ko! hindi creative ang nature ng trabaho ko pero hindi ko pa rin maiwasan madismaya sa nagiging direksyon ng kwento. naiinis ako, dahil sayang. pwede syang lumalim. pwede syang maging makabuluhan, kahit papano, kahit na ang main objective ng ilan sa team eh ang pagkakitaan sya.
sa ngayon pina-hold pa ng direktor ang pagrevise ko ng shooting sked hanggang ma-lock na nila ang negotiations with a premyadong character actor. hindi pa rin sure kung matutuloy nga kami sa first shooting day next week. ang sama ko, pero wish ko sana hindi matuloy (at malakas ang pakiramdam kong hindi nga matutuloy). para may enough time pa ang lahat to prepare. at personally, para magkaron rin ako ng breather, para maibalik ko ang mindset ko to positive mode. at makapanood ng Dream Nyt sa Araneta.
oh well. at least everyone's trying their best. nami-miss ko ang mga line producer kong sobrang alam ang ginagawa nila, nami-miss ko ang mga writers na naglalagay ng tamang header (i.e. EXT. BAHAY NI KUYA. NIGHT) sa mga eksena nila (believe me, ngayon lang ako naka-encounter ng script na parang prose ang pagkakasulat! argh!). on the bright side, though, para sa kin training na rin 'to. yun ang pinakamatinding rason, perhaps. What Not To Do When My Turn Comes.
mga feelings na nega, hindi healthy. hindi magiging progresibo, especially when the shoots start. hope i get over this soon. manonood na lang muna ko ng Dream Night sa Araneta. sana nga ma-move ang shoot. kahit after christmas.
No comments:
Post a Comment