kahapon, habang nagpapatay ako ng oras sa galleria bago umuwi, dumaan ako sa pinsan ko na nagtatrabaho sa toy store.
promo girl sya. roommate ko sya dati sa bahay. dati, aalis sya, darating, aalis uli, yun lang ang alam ko sa trabaho nya. pero kahapon nakita ko sya at work, maybe for a few hours, at parang first time ko actually na-realize kung ano ba ang tinatiyaga nya every single hour of a work day since six months ago.
nakatayo buong maghapon. nakatunganga pag walang customer. pag merong customer, sales-talk to the max. at pag hindi bumili yung customer, nakaka-frustrate. nafu-frustrate akong tingnan sya. kasi nakita kong lumaki itong pinsan ko, at alam ko kung anong kaya pa nyang gawin. bukod sa pagtayo, pagtunganga, pagbenta ng mga laruan sa mga customer.
naalala ko tuloy yung indie movie na 3ndo. actually, binabasa ko pa lang ang skrip ng 3ndo, yung pinsan ko na ang nasa isip ko. nung shinushoot namin ang 3ndo, hanggang sa napanood ko na ang 3ndo, sabi ko, dapat mapanood nya to. kasi makaka-relate sya. yung bida sa 3ndo, naniniwalang wala syang ibang choice kundi tanggapin ang mga contractual nyang trabaho. kampante na sya sa ganong buhay, kahit na pwede pa syang mag-effort para makakuha ng better options. parang nakikita ko ang pinsan ko sa kanya. i know she can do more. it's a question of whether she wants to. or wants it enough to make a few sacrifices.
wala lang. na-depress lang ako ng konti.
No comments:
Post a Comment