sarap ng buhay. walang shoot ngayon, walang shoot bukas...klase sa sabado, pahinga sa linggo...
gusto ko nang simulan yung isa pang storya.
kaso, ewan ko, lagi ko na lang mina-"mamaya na".
parang yung pagpalit ng bedsheets ko. o yung pag-ayos ng mga damit ko sa bagong lalagyan. o kahit yung panonood ng mga dvds na naghihintay lang.
kasi, ang katwiran ko, lahat sila, andyan lang.
andyan lang, hindi mawawala, and i have all the time in the world until monday.
buti na lang iba ang pananaw ko pagdating sa mga relationships.
at sana lang yung ibang tao, katulad ko din.
* * *
strike while the iron is hot.
sabi nga nila.
kaya dapat simulan ko na ngayon habang inspired kuno pa ko.
kaso tinatamad pa kong mag-effort. tinatamad pa kong lumabas sa comfort zone. kaya inuuna ko muna ang friendster, multiply, youtube, etcetera, etcetera.
at ang bedsheets, hindi pa rin napapalitan.
ang mga damit, hindi pa naaayos.
ang dvds, naghihintay pa rin.
eh ano na nga lang ba ang nagawa ko sa araw na to?
nag-lunch. naligo. nang-okray kay penguinacious monjam sa blogs nya. nag-surf nang walang katapusan. sumagot ng survey.
all under the guise of "pagpapahinga". kasi, feeling ko, i deserve to rest. we all do, at some time. at next week may trabaho na naman kaya lulubos-lubusin ko na.
basta. gagawin ko sya mamaya.
* * *
baka dapat mag-iba na ko ng pananaw ano. masyado na ko e. iba ang sinasabi ng utak sa nararamdaman. magkaibang-magkaiba yon. ang utak, reasonable. ang emosyon, walang pakialam. sa reason, sa sitwasyon ng ibang tao. basta alam nya kung ano ang gusto nya, kesehoda. selfish, makitid ang isip, impatient, mahinarte. kaya mahirap talaga pag bobo ka. mahirap maka-cope sa mundo pag bobo ka, dahil laging nao-override ng emotions mo ang reasoning mo. hindi ka objective. puro ka "ako!ako!"
shet. ayoko yata nun. yung "ako!ako!" syndrome.
No comments:
Post a Comment