today is the day.
when i got the message yesterday, sumama ang pakiramdam ko. natakot ako na baka mangyari ang kinatatakutan ko, na baka mangyari uli yung nangyari nung december 29.
stick with the truth. maniwala man sila o hindi. at least you told the truth.
* * *
december 30. linggo.
nagkita kami ni BBB sa MRT Cubao. sabi ko, simba muna tayo sa baclaran.
bumaba kami ng taft, sumakay ng LRT papuntang baclaran. bagong lugar. refreshing palang pumunta sa bagong lugar pag may problema ka.
bukod sa mga bagong lugar, refreshing din palang maglakad-lakad. kahit saan, basta naglalakad.
bago makarating ng baclaran church, dumaan kami sa mataong eskinita. talipapa pala sya. kahit yun, refreshing din. maputik, maingay, masikip pero welcome sa kin yung bagong lugar.
finally, nakarating kami sa simbahan. may misa. tagal ko nang hindi naka-attend ng misa.
pagkatapos ng misa, nag-commute kami papuntang star city. bumaba kami sa harap ng CCP. naalala ko yung mga araw ng c1nem@laya. naisip ko nun kung makakasali pa kaya ako sa c1nemalaya. tanggapin pa kaya nila ako? bumalik na naman yung bad feelings from the day before, pero hindi ko na ibinuhos sa kasama ko. kasi special ang araw na yon, ayokong sirain.
star city. first time kong makapunta dun.
all access ang pinili namin. takot ako sa mga rides na nanghahalukay ng bituka. sobra. pero yung kasama ko parang addict yata sa mga ganun. una naming sinakyan yung Viking, malaking barko na nakalambitin. halukay bituka level 3 in a scale of 1 to 5, pero dahil napakatagal ng ride, naging level 4 sya sa kin. parang bubulwak ang mga lamang loob ko sa paulit-ulit na pagkaka-itsa sa hangin.
sabi ko kay BBB, ayoko na ng mga ganong rides please. ang mokong, na-bad trip sa kin. ang KJ ko daw. pilitan portion ito. sabi ko, sumakay kang mag-isa, papanoorin na lang kita. takot namang sumakay mag-isa!
eh di sige na nga, pasalamat sya mabait ako. chos. pumila na kami for halukay bituka ride #2. Blizzard ang tawag sa ride, parang mini rollercoaster. bawat ride isang oras kang pipila at may isang oras akong dreadfully waiting, habang pinapanood ang mga naunang sumasakay. pagbaba nila, halos lahat hindi maipinta ang mga mukha sa hilo/excitement/shock. sabi ni BBB, pumikit na lang daw ako. pumikit ako pero nakakaloka pa rin. mararamdaman mo yung sobrang bilis nyo na para kayong babangga. buti na lang mabilis lang yung ride, kaya halukay bituka level 3 lang din sya.
dahil all access pass kami, lahat na yata ng horror hauses pinasok namin. ang corny pero enjoy, kasi masarap lang magsisigaw. pag natatakot ka parang sumasaya ka na rin.
maga-alas dose na nung pumila kami para sa Log Jam (?), yung nakasakay ka sa isang raft tapos magsa-slide down kayo sa isang sloping water stream. nung turn na namin sumakay sa raft tamang-tamang alas dose na. happy anniversary!
naloka na naman ako sa halukay bituka ride na to. love ko ang tubig pero napaka-steep ng pagsa-slide-an nyo, at walang safety belt ampotah! kaya gravity at si BBB na lang ang naging sources of security ko. ganun din, sa sobrang bilis para kayong babangga, pero maikli lang yung ride. kaya halukay bituka level 2 lang din sya.
sabi ko, naku baka maging tulad ng log jam ang next year natin.
sabi nya, ayaw mo nun, exciting?
ako: exciting, pero puro ups and downs.
sya: eh ganun naman talaga, di ba?
tameme na ko. hindi ko kasi alam kung gusto ko yung ganung klaseng buhay. yung parang ride na exciting pero hahalukayin ang bituka mo. at that time parang mas gusto ko na lang sumakay sa carousel.
pero on second thought, ayoko din ng carousel. kasi paikot-ikot lang yun, walang pupuntahan.
well at least na-survive ko yung tatlong nakakatakot na rides na yun. sige, ok ako sa log jam type of life. basta ba sa ending maassure ko ang sarili ko na masu-survive ko ang lahat lahat in the end.
eh ang problema, hindi naman ganun ang life. wala namang assurance sa kahit ano. haha.
naalala ko nung 8 years old ako at sumakay ng ferris wheel sa perya. hindi ko nakayanan ang halukay bituka factor. level 5 talaga non, for an 8yearold. umiyak ako, sabi ko sa tita ko, patigilin yung ferris wheel. tinigil nga, at bumaba ako. may option na ganon. pwede naman e. walang nawala sa kin. except yung experience ng matapos ko ang first ever ferris wheel ride of my life.
eto na naman ang ferris wheel, star city Ride#4. natense ako dahil sa sobrang taas from sea level. pero hindi naman pala sya nakakatakot. para ka lang nag-hot air balloon. masaya! yun yon e. buti na lang sumakay ako. otherwise hindi ko alam na hindi naman pala sya scary. me kasabihan din tungkol sa ganito devah. haha.
andaming naglipanang mga nagde-date sa star city nung gabing yon. para talagang pang-date venue sya in the conventional, textbook sense. sabi ko kay BBB, ano kaya kung dito mo ko dinala nung first date natin? sabi nya, siguro hindi mo ko sinagot. haha. true!
at the end of the night masaya naman, parang hindi ako nagngangangawa nung the night before. walang traces nun, nung gabing yon. sayang nga lang wala akong camera.
2 comments:
ang ganda naman ng bloggesh na ito. panay metaphor! your relationship and recent experience idinaan sa pagsakay ng mga rides. what metaphor could be better? on the eve of your anniv pa.
salamat sa star city at napasaya kayo ni otap : P
nagtext ka pa nun di ba :-P haha. katuwa kasi parang brought back to earth ako ng text mo, but in a good way. miss na kita penggs! ~ mean girl #2
Post a Comment