they say it's a process.
and that you need time to process. to let it all sink in. and think, assess, sans the influence of emotions.
sa simula, sobrang sakit. tuwing iniisip ko ang mga nangyari, at nangyayari, at pwede pang mangyari. sobrang sakit tuwing naaalala ko yung tawag sa telepono, at yung araw ng paghaharap-harap, yung mga masasakit na salita, yung mistulang paghusga sa pagkatao ko ng isang taong hindi naman ako gaanong kilala.
sobrang sakit din yung frustration, dahil hindi ko maipagtanggol ang sarili ko, dahil ako mismo nalilito kung bakit nangyari yon, at dahil alam ko na malaki ang naging pagkakamali ko, sadya man o hindi sadya. and that alone is reason enough for me to deserve everything.
pero ang pinakamasakit dalhin nung mga panahong yon, yung guilt, dahil hindi ko alam kung paano ba maremedyuhan ang mga bagay-bagay, kung pano ma-heal ang mga taong nasaktan ko. kinwestyon ko din ang sarili ko. natakot ako na baka nga hindi ko pala talaga kilala ang sarili ko. i couldn't stand myself, i was scared na baka nga masama talaga akong tao. galit na galit ako sa sarili ko. i couldn't forgive myself.
it's been a week. it's a process, and i'm still in it. marami na kong na-realize since the beginning of this ordeal. marami na kong nadiskubre tungkol sa akin. i had to go back and recall why it had all happened, be honest enough to myself to be able to correctly figure out where i had gone wrong. i had to have enough faith sa diyos to believe na pag lumapit ako sa kanya, he would not turn me away. and i was so blessed to have friends and family na tumulong at patuloy pa ding tumutulong sa 'kin, to heal and come to terms with things.
waterfowl, thank you. for being there nung ala-una ng gabi at kinailangan ko ng kaibigan. for genuinely believing na hindi ako masamang tao, kahit ako mismo ang nagdududa sa sarili ko. i love you rose. sobrang swerte ko sa yo.
beatlebum, salamat sa mga WOWs :-) kahit malayo ka, naramdaman ko ang suporta mo. pasensya ka na kung hanggang sa malayo naabot ka pa rin ng stress at agitation na kagagawan ko. but there were times when i really wished that you were here. sobrang na-miss na kita :-)
monj, thank you. sa lahat-lahat. for being with me during those dreary hours, nung sobrang lugmok ako at kelangan ko ng maiiyakan. for listening. and giving advice. and helping me figure myself out.
dadsky, sana magkita at makapag-usap tayo soon. sobrang gusto kitang makausap dadsky, gusto kong matulungan ka in any way i can. sana okay ka na ngayon. sana may magawa ako to make you feel better.
maraming masasakit at pangit na memories akong maaalala from this episode. pero malaki ang naitulong nya para gisingin ako. minsan nakakasakit na tayo ng hindi pa natin alam, nakaka-damage tayo ng hindi tayo aware. hindi excuse ang pagiging unaware. hindi rin excuse kung sabihin mong hindi mo intensyong makasakit o hindi mo sadya. responsibilidad ng isang taong maging sensitive sa kapakanan ng kapwa nya. lalo ng kung filmmaker sya, kung direktor sya.
sabi nga ni waterfowl, hindi pa tapos 'to. i know, pero strangely, hindi ako nababagabag ngayon. may konting fear paminsan-minsan na umuusbong, pangamba para sa mga susunod na araw, pero napapawi naman ng dasal. i'm hopeful. i'm praying that everything will turn out ok.
1 comment:
ang ganda naman ng bloggesh na ito. panay metaphor! your relationship and recent experience idinaan sa pagsakay ng mga rides. what metaphor could be better? on the eve of your anniv pa.
salamat sa star city at napasaya kayo ni otap : P
Post a Comment