Wednesday, January 21, 2009

habang ini-inaugurate si obama...

...eto ako. pagod. medyo. wala lang. relaxed. inaantok na. masaya-saya naman. dahil tapos ko na ang 2nd draft ng 1/2 of a script na assigned sa kin. at maghihintay na lang ng feedback very soon.

five days ago, pinagawa kami ng 1st draft. three straight days akong naghihintay, nagpupumilit na pumalaot ang barko. kasi nga naman, 2005 ko huling nagsulat nang ganito. kinalawang na ang mga hinges. kinailangan ng yosi, kape, at ilang phone calls from sources-of-moral-support. buti na lang, may co-writer ako. kasi tight ang deadline. na-late kami sa deadline pero nakahabol din naman. at finally, eventually, pumalaot din ang bangka. wala syang choice e.

nung matapos ko sya, sabi ko, panget. natatakot akong basahin uli. not so soon after i'd finished it. baka mabuwisit lang ako sa self ko.

pero nung feedback meeting, thank god, knock on wood---maybe politics had something to do with it, and we were clueless beneficiaries--hindi naman uber harsh ang comments. isang major point lang that would require restructuring sa gitna. pero other than that, all were minor. sobrang relieved ako. kasi buong meeting, habang binabaril yung iba, hindi ako mapakali sa kaba.

dati, hindi naman ganito. dati, wala naman akong masyadong wisyo ng "feedback meeting" o "comments" from the director, pm, cm, buh, etcetera. basta makasubmit, tapos. nabanggit na ni waterfowl ang dahilan, kaya lalo ko tuloy namiss si beatlebum. aww. bear kita talaga (with kris aquino diction)!

so binigyan kami ng 1 day to revise. pagkatapos ng meeting, diretso kami ng co-writer ko sa one-on-one brainstorming for a new Middle. inabot kami ng alas-3. nakapagsimula akong magsulat ng alas-9 kinaumagahan (can't go on writing all night without sleeping...kelangan talagang makatulog otherwise magha-hang ang utak ko!). natapos ako, mga 10pm. uber late, pero ok na rin. within the day's deadline pa rin.

hay. pagod. i'm happy. and i thank god. because somehow, kahit na may mga bagay na missing sa life (at nagpapasalamat din ako na yung mga bagay na yon ay pawang mga materyal na bagay lamang), i have enough. i'm still blessed. with good health, a complete family, friends, a job, an osobear, a functioning heart and mind, a basically good soul.

ang tama ay hindi si ms. miller, per se. ang nagpapatama sa mga pino-"prophesy" nya ay faith. if you believe, and have complete faith, it will happen. good things will happen.

now. i have complete faith na by february, masosolusyonan na ang nag-iisang problema ko sa ngayon. and with that licked, all the more reason to be thankful, and maybe by then i'd be able to give back.

3 comments:

Anonymous said...

anong dahilan? :P - B

Anonymous said...

dahilan? ng alin? bing kaw ba yan? :-P

Anonymous said...

si beatlebum 'to. ano 'yung dahilan na sinasabi mo?:)