sana walang magsasapaw sa mga schedules in the next three weeks. lalo na next week. please, lord. please, please.
hopeful din, na sana this will bring lucrative results for me. but first and foremost, sana magawa ko ang lahat nang mahusay. at the very least, mahusay sa mga mata ng mga taong magja-judge. kahit hindi na sa mga mata ko.
sana, sana lord.
i remember a happy memory. 2002. i was getting a haircut. i texted someone who'd interviewed me for a job. i asked if there was any news yet. (sidenote: na-realize ko, ang lakas pala ng loob (ang tapang ng apog) ko noon, texting the boss herself para lang magtanong tungkol sa application ko. haha).
and then, just as the haircut was almost done, the reply came. "our HR department will get in touch with you soon. (smiley)"
napangiti ako noon. wala namang ni-reveal ang message nya, but the smiley at the end said it all. i was happy. triumphant. i had a feeling that i got the job, and the feeling was priceless. priceless joy.
siguro ganito ang nararamdaman ng mga lalakeng sinagot ng nililigawan nila. ang saya lang, para kang nanalo sa lotto, minus the money. kasi gustong-gusto ko yung trabahong pinag-applyan ko. at binuhos ko ang lahat para lang masiguradong matatanggap ako. eventually, natanggap nga ako. and it became my entry-level job sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. and the person i had texted then, she became my first boss. maraming bumps on the road at maraming humbling experiences akong naranasan throughout my 15-month stay sa posisyon na yon, pero all that hasn't lessened the goldenness of that smiley-text memory. that was awesome.
bigla ko lang naalala. gusto kong maramdaman uli yung ganung feeling. not in the same context, of course. pero basta, yung ganung feeling. triumphant joy. a "yes!" kind of moment.
hay. ang sarap matulog lang sa bahay ngayon. ang ganda ganda ng panahon. pero ang daming trabaho. tonight, tomorrow, monday, all week next week. not complaining. pero sana magkaroon naman ako ng enough time para makapagpaparlor soon. baka sakaling makatanggap uli ako ng text message na may good-news smiley sa dulo. haha.
naaalala ko yung isang beses na umattend ako ng isang showbiz awards night dahil nanalo ng award ang isang project ko. naiyak ako that night and everyone thought it was because of the award. ang hindi nila alam, naiyak ako sa tuwa dahil hindi ko in-expect na isa pala sa mga performers sa awards night na yun ang uber-crush kong rapper dude, and at some point in the show we even shared the stage. awww. isa pang priceless feeling. nakakahiyang aminin, pero parang mas mabigat pa ang impact seeing him than accepting the award. minsan talaga, love can be the bane of my career's existence. haha.
pero ang lason sa isang bagay na waring importante sa yo, kung nakakabuti naman sa pagkatao mo, okay na rin. hayaan mo nang mamatay yung isa, kung mabubuhay ka naman nang wala siya.
basta, wherever happiness lies, dun ako.
No comments:
Post a Comment