mag-isa. and the clock is ticking against me. as always.
gusto kong umiyak. hindi ko pa yata naranasang maging lost nang ganito sa isa't kalahating taon ng pagka-comeback ko sa pagsusulat. kadalasan pag lost ako meron akong karamay. pero ngayon wala akong choice kundi harapin to nang mag-isa. ni hindi ko pa tapos ang liner. at deadline na in two days. aatakehin ako sa puso.
lost. dahil kakagaling ko lang sa pagsusulat ng isang episode ng soap at pagod pa ako. kung endless lang ang energy, raratratin ko ang pag-iisip til the wee hours. pangarap kong maging robot na walang humpay, walang tigil, walang kapaguran.
6 hours ago pangarap ko lang na matapos na ang soap script para makadiretso na ko sa kiligserye. pero taena hindi pala ganon kadali yun. tumatanda na ang lola nyo. o di kaya ay biochemical ang dahlan. bumabagal ang pagod. bumibigay ang katawan.
paksyet naman, imbes na magsulat ka dito ratratin mo na kaya yung liners ano???
wala lang. nagbubuhos lang.
No comments:
Post a Comment