pero ang pinakaimportante, nae-enjoy mo ang proseso. wag kang mag-rely on anything else. importante ang pera. masarap din sa pakiramdam ang ma-assure na may nagagawa kang tama. pero hindi ka makakatagal kung di mo nae-enjoy ang proseso.
kaya gusto kong ma-lost. dahil kadalasan pag nalo-lost ako sa sinusulat ko doon ko nasasabing nae-enjoy ko ang trabaho. when i'm in the zone. when i'm in the scene, in the emotion, when i'm crying, when i'm laughing, pag kinikilig ako, nae-excite ako. pag may nararamdaman ako.
hindi ko alam kung nasa zone ako ngayon. siguro marami lang naiisip. maraming kinakatakutan. baka mabagal ang pacing. definitely, mabagal ang pagsulat. pero dapat ang materyal, hindi mabagal. dapat, dapat. maraming dapat. nakakastress. kaya ang hirap mapunta sa zone. lalo na pag da clock is ticking.
yun ang kalaban. da clock. lagi-lagi.
nagpapasalamat ako. na-extend. nakahinga ako. nakapag-excrete ako. nakaexhale ako. mamaya makakakain ako. pero putaena. bakit five years ago kaya kong tapusin ang dalawang bodies in one magdamag. mabagal pa yon supposedly. bakit ngayon para kong constipated. every scene kailangang iere. parang batang pinapanganak na may hydrocephalus.
wag naman.
No comments:
Post a Comment