Monday, July 12, 2010

slow days

di ko alam kung matutuwa ako o mababagot. dahil part of me feels na sayang ang oras, na sana ginagamit ko ang panahon ko ngayon para kumita ng pera. pero a part of me feels grateful din, for the rest, for the free time. not for long, though, dahil lock-in na naman sa wednesday. scripting for the rest of this week.

pero happy. relatively. thank god. knock on wood. basta yun ang solid, na lagi ko namang pinagdadasal sa diyos, happy lagi.

7th month. magpapalit ako ng obgyne dahil sabi nila, kung saan ka daw nagpapacheckup dapat doon ka manganganak. magulo pa rin si baby sa loob at nangangamba ako na baka umikot na naman sya at maging suhi na naman. baby sana wag na. please stay put. we want you to come out the normal way. less risky, less expensive.

dominique or athena? ano ba'ng magandang pangalan? yung athena sounds strong, pero i'm more partial to dominique dahil si osobear ang pumili. sa kagustuhang magkaroon ng boy na baby gusto nya male-sounding name para sa girl naming baby. duh, haha.

sabi naman ng nanay ko dapat daw vowel ang start ng pangalan ng anak namin at odd ang suma ng mga letters para daw kasundo namin. doon naman pasok ang athena. hay. hanggang sa pagbibigay ng pangalan talagang mapamahiin ang nanay ko.

i need to lose weight. or at the very least not gain any more weight. kaso ang hirap. ang sarap kumain. i'm still craving. i'm hungry most of the time. waaaaah. naiinis ako.

thank god may maid na kami. sana magtagal. kasi kailangang-kailangan namin with what happened to papa. yaya na lang ang kulang, around september siguro kakailanganin na.

lord, thank you. sa lahat.

No comments: