* windang. dahil nagsisimula nang mag-pickup ang kabusyhan sa buhay. nararamdaman ko, parating na ang panahon which i've been half-dreading, half-hoping for. scared now, pero walang ibang choice kundi kayanin. lahat ng nagseseryoso sa trabahong ito, papunta doon.
* sabay-sabay. di mo alam kung ano'ng trabaho ang uunahin. kulangn sa tulog, madalas wala sa bahay. deadlines. paigsi nang paigsi ang timeframe, parami nang parami ang scripts. di po ako nagrereklamo lord. naghihinga lang. at nagpapasalamat dahil may trabaho at may pupuntahan. i don't want to disappoint anybody, least of all myself.
* ano'ng mas naeenjoy kong trabaho? maging writer o maging ina? hands down, the latter. kahit hindi ako bayaran, gagawin ko. everytime wala ako sa bahay at gumagabi na, tinitingnan ko na lang ang pictures ng anak ko sa cellphone ko para di ko sya masyadong mamiss. pero namimiss ko lang sya lalo. it's a mad circle.
* i never really liked the hassles of shopping but i love shopping now when it's for my daughter. i love buying her things, from little dresses and kikay things and toys to her bare essentials. she's at her cutest now. feeling ko, 6 months na talaga ang cute nya. she's started to roll over now. kaya na nyang umupo pero wobbly pa.
* natatakot ako sa flagship project na yan. just listening in and learning from the seniors. natatakot ako dahil feeling ko mawiwindang ang mundo ko kapag pinasampa ako. alam nila kung kelan ready na ang isang tao. i want to be good, really really good, and i want career advancement, pero sana pasabakin na nila ko pag kayang-kaya ko na. definitely not today or tomorrow.
* time. lagi akong kulang sa time. pero kahit maraming dapat gawin di ko nakakalimutan mag cafe world everyday. nakakaadik sya.
* binyag ng anak ko sa sabado. pero may deadline sa monday. kasal ko, may deadline. nanganak ako, may deadline. ngayon may deadline pa rin. okay lang, at least laging may trabaho. thank you lord!
* i wanna be a billionaire! so freakin' bad! kaso sa ngayon marami pang gastos! lord, sana dumating din ako dyan!
* ahhhh! magsulat ka na, ampotah!
No comments:
Post a Comment