had to skip lunch to finish something for a deadline. nakakabusog pala ang stress? akalain mong concept lang na maituturing pero ke hirap hirap pala? parang mas madali pa sa aking magscripting kesa mag-isip ng concept.
tama ang kutob ko. change concept. pero di naman siguro mapupunta sa wala ang scripts na binuno. i trust and believe, lord. :-)
the other night pinilit akong maglead ng prayer sa premiere night ng soap operang kinabibilingan ko. halos himatayin ako sa kaba. napabili pa ko ng cheap na mukha namang presentableng formal evening dress. at napabili din ang headwriter kong chakang-chaka sa sapatos kong suot noon ng sapatos para sa akin. nakakalurkey. the best surprise gift of the year. all of a sudden i became an owner of quite an expensive pair of signature shoes! salamat sa mabait at mapagmahal kong headwriter! :-D
one down, three to go. natatakot ako sa scenario ng sabay sabay na kelangang gawin for different projects. natatakot ako na baka sumablay dahil sa sobrang dami. sana naman wag umabot sa ganon. at kung umabot man sa ganon, sana wag akong sumablay. sana magawa ko ang lahat lahat nang maganda at maayos...and on time.
miss na miss ko ang anak ko each time may trabahong kelangang tapusin. kasi pag me kelangang tapusin iniiwasan ko muna siya. hindi ako makaconcentrate when i'm in the same place with her. pag naririnig ko siya o nakikita, di ko matiis di sya lapitan. guilt and love. deadly anti-deadline combination.
kaya ngayong tapos na ko sa deadline #1 play play muna kami ni aysiebear. nag-aaral na syang gumapang pero di pa nya kayang umurong paabante. puro paatras, hehe. nagpalit na rin sya ng gatas (for babies 6 months and up) atsabi ng doktor pwede na rin syang kumain ng solid foods. slight lang, wag biglaan. kaya pwede na sa kanya ang paunti-unting egg yolk, mashed potatoes, mashed carrots, mashes bananas, etc. excited na kong pakainin si aysie ng pagkain. feeling ko magiging matakaw sya, tulad ko. haha.
me dalawang trabahong kelangan pang gawin. yung isa, dapat matapos within today, dahil tomorrow balak kong umuwi sa family home. kaya kaunting pahinga na lang, gogogo na ko.
deadma na sa lunch. early dinner na lang later. and that's a day in the life of stressie old me.
p.s. it's that time of the year again. i'm smelling summer in the air. beachlust!!!!!! i dream of going to bora this summer. sana, sana sana matuloy. at sana may windfall moolah para station 1 ako makatuloy. lord, sana!
No comments:
Post a Comment