sana nakakalorky din sa saya ang bunga ng mga paghihirap at pagtatrabaho.
sabado, nagsubmit ako ng draft 6. akala ko kahit papano makkahinga na ko for the weekened. may utang pang thingies to another project pero nagdecide pumetiks ng linggo. at dahil mahigit dalawang buwan na yata akong di nkakauwi ng marikina, nagfdecide na simulan ang bagong week by going home to marikina with my babygirl. overnight stay, dahil birthday ng papa ko ng tuesday, today.
kahapon, nakiusap ang ep ng youth show, baka daw pwedeng today na ko magsubmit ng week 2 script para makapag-feedback tomorrow. so um-oo ako. kaso ang baby ko, namamahay sa marikina, ayaw magpaalaga sa iba except sa akin, at buong gabi yatang gising, 11pm na nakatulog. kaya ang resulta, wala akong nagawang pagsusulat where the youth show was concerned. kaya eto, deadline ko ngayon, selfimposed at committed to the ep by 7pm pass your papers, pero taena, malayu-layo pa ko. marami pang aayusin.
maaga kaming umalis ng marikina ng baby ko kanina para madevote ko ang araw na to sa pagsusulat. kaso umandar ang murphy's law. sa atm machine pila, maraming tumagal na nasa harpan ko dahil nagkamali sa pagpindot. kulang kulang 45 mins yata akong nakapila doon. dahil tuesday ng umaga ang hirap makakuha ng taxi na maghahatid sa amin pauwi sa malabon, isang oras yata kaming nag-abang. by the time we got home, it was a little before lunch.
so keri lang, tinrabaho ko na asap ang script. kaso nahilo naman ako for some reason. akala ko nga aneu na. ang daming tawag ni mother nature. kinailangan pang iidlip ang pagkahilo. kaya 3pm na ko nakapag-resume. at tumawag ang ep ng isa pang project, may pinaparush na short script na itetape nila bukas. kaya siningit ko pa.
so ngayon, past 5 na, marami-marami pa, malayu-layo pa. taena. sawang-sawa na kong malate. sawang-sawa na kong magbreak ng promises sa mga PA at EP. kelangang isubmit ito ng alas-7 tonight. I HATE TO, DEMMET. kebs na kung di as best as i can. basta matino at maayos-ayos naman, pwede nang isubmit. di na nga ako dapat nagbablog.
pero i just have to say this. pag bumabalik ako sa marikina, nadidisorient ako. nakikita ko ang discrepancy sa living conditions doon at sa current living conditions ko ngayon. para kong fish out of water na hindi. pero kagabi uncomfortable ako sa marikina, di na ako sanay. marami akong nakikitang mali-ang gulo-gulo dito, andumi-dumi doon, dapat ganito, dapat ganon, sa malabon hindi papayag ang byenan ko na ganito, etc. syempre unfair dahil homemaker ang byenan ko by nature at ang mga magulang ko sa marikina, matanda na para masterin ang homemaking art. pero uncomfy ako. weird, considering na i've lived there my whole life before audrey christi came along.
tapos pag-alis ako don at nandito na uli ako, bigla naman akong nahomesick. para akong na-uproot uli. bigla kong namiss ang bahay na kinalakihan ko. ang suburbia na kinilala kong home for 30 years. di ko maintindihan sarili ko. di ko rin naman masabi sa sarili kong "i belong here now", dahil ang totoo nakikitira rin lang kami sa isang magarang bahay ng kapatid ng mister ko. libre ang kuryente, aircon all day all night, pero bottomline is, it's not ours. and we don't have our own home yet.
so i'm kinda...rootless. floating. ewan. ang hirap magswitch between worlds. pero mahal ko ang pamilya ko sa marikina, love them more than my life. kung sobrang yaman lang ako, bibilhin ko lahat ng nakikita kong kelangan ng bahay namin don, lahat ng gusto ng pamilya ko, lahat ng makakapagpaginhawa sa buhay nila. at endless ang magiging listahan. pero one item at a time muna. pag naka-quota ako sa isang personal goal, ibibili ko sila ng sarili nilang computer.
okay back to work beeyatch. dami mo nang sinayang na oras kakarant about nonsensical thingies. wish ko lang, sana payamanin ako ng youth show na 'to. sana bumaha ang pera at career opportunities and fulfilling moments, dahil handa akong magtrabaho na parang kalabaw kapalit nun.
ang masrap din pag kami lang ng anak ko sa marikina, super close kami. as in, closer than ever. dahil wala syang yaya at ako lang ang pamilyar sa kanya. kaya super attached sya sa akin. sobrang mahal ko ang anak ko. sobra sobra sobra. sana mapalaki namin siya nang tama at matino.
No comments:
Post a Comment