hindi ko alam kung bakit ganito ako. may anti-bandwagon mentality. kapag nagustuhan na nang iba to OA proportions ang nagustuhan ko, it kinda turns me off. nawawala na yung interes ko, dahil sa utak ko parang nagiging overrated na sila.
i used to like A1dub. loved them to bits. and then, everyone went berserk over them. i stopped watching altogether. nawalan na ko ng interes.
parang poging lalake. nung dalaga pa ako, i rarely have crushes on the conventionally handsome (doesn't incllude movie stars). kasi pag conventionally handsome, malamang maraming ibang nagkakagusto. bukod pa sa takot ako sa heartbreak dahil maraming tukso, ayoko din nung idea na isa lang ako sa isang batalyon at hindi unique ang taste ko. (#nagpapakaiba?)
parang ganito rin ang nangyayari kay J/C. everywhere i go, everywhere i look online, lahat na lang babae yata eh nagwowater-water sa kanya. a wonderful thing for our show. pero parang naumay na tuloy ako sa mukhang yun. kasi lahat na lang sya ang bukambibig. lahat na lang ng panty everywhere kailangang pigain when he does that signature smoldering soul-gaze. he's become the new pi0lo, na noon hindi ko maintindihan kung bakit kinahihimatayan (dahil siguro the female frenzy preceded him bago ko sya nakilala o nakatrabaho). i'd rather go for the low-key, pero wala namang ibang low-key na pwedeng maging inspirasyon, at hindi naman pinipilit ang ganon bagay.
basag trip #1. pag naging crush ng sambayanang kababaihan ang crush mo. (hindi sa nagseselos ako. alam naman nating lahat na wala tayong pag-asa sa kanya. haha. ayoko lang talaga sa supermainstream. mainstream na ngang maituturing, uma-a1dub levels pa).
so thank you, for giving me gasolina for weeks 3-7. okay, week 8. fuel running low. :-( that's when i realized i'm getting over this little "inspirational" ek. not even the thought of you beckoning me to sit down and write your story could fire me up. :-(
huhuhu. i need something else to fire me up. nasa punto na ako na hindi ko na maintindihan ang babae. hindi ko masakyan ang motivation nya, dahil hindi ko naman naranasan ang naranasan nya. and even if i was placed in that situation, i would've reacted differently.
11 more weeks of labor to go. lord, help me. please, just a dint of brilliance and discipine lord. deadline kopo bukas.
No comments:
Post a Comment