nanganay ako sa week 3. and to think 2 days lang ang dapat kong isulat.
in my worst moments, i dream of donuts. not the donuts i will eat. but the donuts i will create.
in my worst moments, napapasabi ako ng ayoko na. pero wala akong karapatang umayaw. dahil marami akong obligations.
kaya in my worst moments, i dream of alternatives. fallbacks. i dream of being an entrepreneur.
pagod na akong maging indentured slave. pagod na ako sa paulit-ulit. pagod na ako sa dreary moments.
so yes it's confirmed. in my worst moments, facing the blank screen, being frozen with fear, a deadline looming ahead, I tend to hate the job.
but in my best moments, when the mood sets in, when i read things that work that came from me, when i watch something good that i helped make, i love the job. kaya okay na rin.
for now, though. i hate it. i dream of alternate lives. the lives i wish i could live. dreams i could have pursued.
22+ sequences. at wala akong gana. i was worse two days ago. bilanggo ng deadline. at walang gana. walang amor. crippled by fear.
tapusin na 'tong script na ito. para makalaya na ako. para mabisita ko na ang bago kong kitten sa marikina. para ma-assemble na namin ng anak ko ang bago nyang laruan. para magawa ko na ang bagong cookie order na end of septmber ang deadline. para masampolan ko na ang donut na magpapayaman sa amin.
i have low expectations of this project, but i hope i'm wrong. gusto ko lang sumweldo, kumita, kiumubra ng malaki every payday. gusto ko lang mabayaran ang investment kong lupa and i have 4 years to go. week 3, maybe 8 scripts to go, at may kahati pa ako. okay lang. basta tapusin na natin 'to. hindi pa man, excited na akong mag-move on. either sa next project, o sa negosyong magsesave sa amin sa pagiging alipin ng korporasyon.
on that note, let me just say-- walang umaapi sa akin. napakabait ng korporasyon, at ang mga boss ko na alipin din naman nila. lahat kami, alipin. a strong word to use, but in essence, yun na rin. kung anong kailangang gawin, sundin.
a lonely job, this writing gig. 7 years and counting, give our take a year writing for a reality show before i got "married" to drama. perp pag bumabalik ako sa set, naninibago ako. maarte na pala ako. ayoko sa mainit, sa masikip, sa hindi komportableng lokasyon. maybe passion will be enough para suuingin mong lahat yon. kanya-kanyang hirap lang yan girl, so be fucking grateful bitch.
everything takes work. lahat ng trabaho, mahirap. kaya nga trabaho di ba.
WERK WERK WERK IT YOU WHINING BEEYATCH!
No comments:
Post a Comment