Two days ago, nagpahula ako.
Actually, hindi daw sya manghuhula. Oracle sya.
bakit nga ba ako pumatol sa ganito? under normal circumstances, hindi. pero siguro gusto ko rin ng konting guidance sa gumugulo sa isip ko. may isang bagay akong gustong gawin, pero hindi ko alam kung tama bang gawin.
may tanong ako. at naghahanap ako ng sagot. last time na nagkaroon ako ng urge na magpahula, was 3 years ago. the same concerns, the same thing that I had wanted to do but I wasn't sure if it was going to be a wise thing to do. pero for some reason hindi ko naituloy ang session na yun.
so during my "session" two days ako.. ang unang lumabas sa "work/career" cards ko--- ang card with the word "skills". sumunod, ang card na "intensity", then ang card na "harmony", pagkatapos ang card na "consciousness". anong ibig sabihin nun, tanong ko. sabi ni oracle, i have the skills daw para ituloy kung anuman ang ginagawa ko ngayon. kailangan ko lang magfocus (hence, "intensity"), ibigay ang out of the box na demands ng trabaho ko, and all we be in harmony. money, at the table. ready for the taking. basta daw magtrabaho ako. unlike, say, that other option, na kailangan pang trabahuhin.
at least, puro positive ang cards na lumabas. at unang una doon yung "skills". which answers one of my fundamental questions-- am i skilled enough for this job? after 8 years... oo, hindi pa rin ako sigurado. hindi ko alam kung bakit. siguro kasi lately mas madalas kong maramdaman yung mga cul de sac moments kesa sa mga eureeka moments. mas madalas makaramdam ng pagod kesa inspirasyon. yung feeling na nabigay ko nang lahat sa last few projects na natapos ko, at wala nang natira sa loob.
lagi namang mahirap itong trabahong ito. kahit yung mga unquestionably magagaling, i'm sure nahihirapan din. siguro ang difference... yung passion mo para i-tackle ang mahirap. what drives you to do what needs to be done makes all the difference.
admittedly, i am driven by money. at sabi din ng oracle, i see what i do as a job. alam ko na yun, matagal tagal na. while i'm relieved that i am probably not lacking in skills (8 years ba naman, beeyatch, siguro naman may expertise ka na, kahit kaunti), it's not what i should be afraid of. i should be afraid of losing the passion to do what i need to do needs to get done.
kung leftbrain work ito, hidni sya problema. but writing requires more than just skills. it requires emotional involvement. you need to put your heart into it, to be able to write authentically, sincerely, movingly. you can autopilot yourself, hack your way towards completion, but usually it doesn't come out well if you do it that way.
saan makakabili ng passion? saan makakabili ng inspirasyon? kelangan ko sa trabaho ko. mamumuhunan na ako kung mabibili lang yun.
i choose to see the bright side. at least, may "skills" daw. spelled out na, bes. skills doesn't mean excellence, but at least it means you're not some hack pretending to be skilled at what you do.
so ngayon, may deadline. 1 full body, 10+ seqs, kailangan na by morning. it's 2 am. at wala pa ako sa kalahata. skills ba kamo ang meron ka? pwes, gamitin mo, letche. mamaya na i-summon ang passion at inspiration, kapag natapos mo na ang body 1. at least man lang, makapagdeliver ka on time using skills and conscientiousness alone.
o, ANO PANG GINAGAWA MO? MAGTRABAHO KA NA! dahil sabi ng "self" cards mo, WORK should be your main concern this year--- hindi ka pwedeng tumigil sa pagtatrabaho. dahil may mga pangangailangan, may mga gastusin. malamang mga 1-2 script days lang ang suswelduhin mo para sa paulit-ulit na drafts na ito (3rd draft ongoing), pero hangga't hindi nyo naipapasa ang latest draft at hindi sila nagro-roll... hindi pa darating ang kadatungan.
kaya tapusin na yan, beeyatch. para maipasa na. at maitape na. at makasweldo ka na.
maraming salamat sa rf. pero need natin mag-save like we've never saved before. i am dreaming of a cutoff for myself--- by the time i'm 40. i should be financially-free enough to make the leap. but then again, maraming pwedeng mangyari in 3 years. we never know. because the place i'm in, the missus i have, sya yung tipong hindi pwedeng basta basta lang. kung hihiwalayan mo si missus, kailangang pag-isipang mabuti... pagnilay-nilayan... dahil ayaw mo namang pagsisihan ang desisyon mo.
so morning deadline, here i come. i will CONQUER you. and submit on time. before 12 noon. morning pa rin naman ang 11:59 am. :-)
DREAM BEACH VACAY: amanpulo, palawan. my current island of dreams. in another place and time, binibisita ko ang lugar na yun... nakabikini... looking beach-girl perfect... feeling the sand on my feet, the calm waters around my legs, seeing perfection all around me, living another life away from the mundane concerns of my reality.
No comments:
Post a Comment