I want the sparkle back into this dull-spirited shell that is me.
Akalain mo, akala ko graduate na ako sa pagiging emo. That's so circa 2005. Pero wala e. Minsan kelangan mo ng outlet. Kelangan mong mag-emo paminsan minsan. Mag-dump paminsan minsan. At busy lahat mga friends ko. Busy rin ang mister ko.
I stumbled upon this entry, dated December 2007. Nakakarelate ako sa pagod ng 2007 self ko.
"at 3 am, mari-realize mo na wala na ang puso mo sa trabahong nakatulong na bumuhay sa yo for the past few years. you're where you want to be, but not doing what you really want to do. na ok lang naman for a while, pero nakarating ka sa puntong hindi ka na excited. hindi mo na maramdaman ang sense of adventure, yung sense of exploring something new. at pera na lang talaga ang nagiging be all end all ng lahat. ironically, hindi naman kalakihan ang binabayad nila sa yo. at gustuhin mo mang mag-explore ng ibang opportunities, hindi ito ang tamang panahon. nakatali ka sa isang bagay na magiging pag-asa mo. para matupad ang mga pangarap, hindi rin. you carry no illusions about what you're about to get into, from the moment that you signed on that contract. at mari-realize mo na siguro, gusto mo lang talagang yumaman. gusto mong magka-CRV. gusto mong mabili ang lahat ng gusto mo. gusto mong mag-provide para sa pamilya mo. gusto mong mag-enjoy sa trabaho mo kahit papano and at the same time kumita ng malaki. middle ground. compromise. everything in life is a compromise. may mga bagay sa buhay na hindi makukuha sa passions alone. o sa pagiging "extremist" for the sake of passion. at 4 am, pagod ka na. wala ka nang kilala, wala ka nang kinakausap, hindi ka na makangiti. biglang papasok sa isip mo ang mga bagay na dapat gawin for skwela. mga bagay na gagawin mo for passion's sake. ang saya nga naman talaga, going to school and doing the things you're tasked to do, not thinking about what you're going to get in return. not thinking about grades, or feedback. not thinking of reactionary results. and to think na someone once said na napaka-"I Have to Win" ng personality ko. being in school again somehow changed all that...
...hindi na katulad ng dati ang buhay mo dahil sa skwela, pero naging simbolo na sya ng napakaraming bagay sa yo. para syang isang taong nagbawal ng maraming bagay sa buhay mo, nag-impose ng maraming rules, naging rason kung bakit kelangan mong mag-cut off ng ties from many people you've known in your recent life, pero mahal mo sya. dahil andami mong giniveup para sa kanya, dahil andami mo nang sinakripisyong opportunities, dahil somehow minulat ka nya sa katotohanan na niloloko mo lang ang sarili mo, na being where you want to be won't bring the same kind of happiness as doing what you really want to do."
ang tagal na nito, and i have all but moved on. pero nakakalungkot lang, because i was so full of hope. at madami-dami na rin akong na-sacrifice para sa schooling ko noon, which i had seen as the key to my dreams. yung scholarship na yun ang lunduyan ng mga pangarap ko at that time.
nakakalungkot, dahil two months after this blog entry in december 2007, i lost the scholarship.
it's funny, how God maneuvers things in our lives. alam Nya kung paano ako nangarap noon. alam Nya kung nasaan ang puso ko. pero hinayaan Nyang mangyari yung nangyari on December 2007. it was His way of redirecting me maybe.. to where i am now.. or it was a test, hanggang ngayon hindi pa ako sure. i had thought He had meant for me to forget my directing dreams dahil He had meant for me to become a writer, to be where I am now. Pero dahil sa mga nararamdaman ko ngayon.. hindi ko na sigurado.
dahil ngayon, mauulit ko ang entry ko na nasa taas. iba nga lang ang trabaho.
"at 3 am, mari-realize mo na wala na ang puso mo sa trabahong nakatulong na bumuhay sa yo for the past few years. you're where you want to be, but not doing what you really want to do. na ok lang naman for a while, pero nakarating ka sa puntong hindi ka na excited. hindi mo na maramdaman ang sense of adventure, yung sense of exploring something new. at pera na lang talaga ang nagiging be all end all ng lahat..."
ang difference lang.. mas malaki ang binabayad sa akin. and I guess, that makes all the difference in the world.
kaya, siguro, wala akong karapatang magreklamo. dahil binibigay naman sa akin ang kelangan ko.
pero in my dreariest moments, napapaisip ako. am i really where i am meant to be? in a job i am meant to do? kung ganon bakit hindi ako masaya? gusto kong maging masaya. iniisip ko yung buhay ng mga direktor kong kakilala. yung mga dating PA, AD, kasama ko sa production na ngayon, nagdidirek na. masaya kaya sila? kung babalik ako dun, kakayanin ko kaya? magagawa ko kaya nang mahusay, mahusay enough to make it a career? will it suit my life? will it bring back the passion to my soul? dahil feeling ko ngayon, ang patay patay ko na inside. feeling ko ngayon, pumupugak-pugak na makina ako. kung passion ang gasolina.. running low. pa-empty tank na. kelangan nang mag-refill.
pero may deadline pa. today. 31 sequences. nakaka-1 pa lang ako at hindi pa sya maayos.
ang sweldo nito, baka sa july pa. or august. depende sa bilis ng mga bagay bagay.
siguro wag ko na lang isipin. i-autopilot ko na lang dahil kelangan matapos. now is not the time to ponder over the state of my life or kung anong balak ng Diyos para sa akin. there's a deadline to meet.
i'll just leave the question here. Lord, what am i really meant to do?
P.S. kung pwede nga lang na ang main purpose ko sa buhay, maging nanay at asawa. game ako. pero money. hindi kaya. but i would love to be a full-time mother to my daughter. feeling ko mas madali yung gawin, hehe. mas maeenjoy ko. kakaririn ko ang pagpapalaki sa anak ko.
No comments:
Post a Comment