Thursday, November 23, 2017

Purpose

today I'm planning to do something I haven't done in more than a decade.  the first time i did it, it was such a big deal then. my be all and end all. pero ngayon... baka-sakali lang. kung gugustuhin ng Diyos. kung ayon sa kanya ay handa na ako para sa ganitong klaseng responsibilidad.

if makapasok, it means God believes I have the right mind-set now. that i am ready- emotionally, spiritually. that i am mature enough, wise enough, not to make the same mistakes again.

if hindi, then either I'm not yet ready, or that's not my purpose. and that's perfectly okay, because I'm happy, with who I am and what I am now. hindi na "yun" ang lunduyan ng mga pangarap ko. hindi na yun ang be all end all ko. 9 years since my painful awakening and I want to believe I have at least learned something. that taking on that path is not because I want things for ME, what the world can do to me or FOR me, but the other way around.

may viber group na isinali ako. wala masyadong umiimik doon except the resident priest who would viber-message the gospel and homily every Saturday evening. I remember one of his gospel-homilies-- about the parable of the talents. may sariling interpretation si Father. meron din ako, na maa-apply ko sa buhay ko at  siguro sa kaso na rin ng marami.

the things we were born with, whatever they are-- a good voice, a creative imagination, a brain for numbers, what have you-- we cannot take credit for them. they are gifts from God-- and gifts like talents are given to us, not because we deserve them or did anything to earn them, but because maybe, God feels that we would be a good instrument for that specific gift to benefit other people.

i believe we all have a gift, it may not be a literal talent or inborn skill (gift din yung may charisma sa tao, may natural empathy, good listening skills), but we were all given something that we can be good at.  anuman yun, binigay sa atin yun para ipamahagi sa iba, para makatulong sa mundong ginagalawan natin, pagyamanin yun and become spiritually-better persons (and help enrich others spiritually, as well) because of those gifts.

pero kung ang gift na ibinigay sa iyo, o yung bagay na ikinasasaya mong gawin, ay hindi makakabuti sa iyo bilang tao... hindi nya ibibigay. ililihis ka nya.

kaya sa mga kaibigan kong nag-eencourage sa akin, nakakataba talaga ng puso. pero hindi ako ang magdedesisyon kung nararapat ko bang ituloy yung sinimulan kong kakarampot noon. God knows better, God knows me so much better than I know myself. Yes, I want to go back. Yes I want to do it again. But it's not my decision to make. I surrender my destiny to God, dahil mas alam Nya kung anong makakabuti para sa akin at sa ating lahat.

kahapon, naramdaman ko habang nagpapaburn ako ng DVDs, yung dating ako, whenever I would be immersed in a project--- yung makulit, mabusisi, may pagka-OC, yung perfectionist. nakakatakot, kasi lumalabas lang yun kapag direktor ang role ko sa isang proyekto.  kaya ipinapaubaya ko na lang lahat sa Diyos. Mas alam nya.

kung sakali man na palarin, at gustuhin nyang ipagpatuloy ko, I've made a promise to myself that it's not going to be about me. Not about prestige power (money... hmm) but the responsibility. Social responsibility, moral responsbility.  the parable of the talents- kapag binigay sa iyo, pagyamanin mo, hindi para sa sarili mo (hindi naman ikaw ang magaling bes. sa totoo lang.), kundi para sa iba.

obligasyon ng isang filmmaker na magmulat ng isip, magharap ng salamin sa ating lahat para makita natin kung ano talaga from the perspective of a certain person, obligasyon nya to show truth, realities, help uncover pieces of this great puzzle, enlighten, inspire, entertain, be an instrument of the good.  ganun din ang writer, actually. kaya kung matanggap man o hindi, makapasa man o hindi, okay lang. I am in a place where I feel I am, somehow, serving a purpose. ang diperensya lang, noon, mas naeenjoy ko ang pagdidirek kesa pagsusulat. mas madali sya for me (at sabi din ng ibang direktor na dating writer, mas madali naman talaga ang pagdidirek kesa pagsusulat--for nearly everybody).

natuwa lang ako dahil finally, naiupload ko na ang thesis film ko sa internet. after 15 years sa baul. salamat sa techonology. i don't want to dwell on the past, pero nang mapanood ko sya uli after a while, parang nagbalik lahat ng masasayang memories--- when it used to be about the process, about the journey. noon, wala pang awards awards. thesis ko lang sya, anak ko lang sya, at gusto ko lang na magawa sya nang maganda. and I enjoyed every step of the way, and all of it was so pure. almost spiritual-- creating something, and enjoying it. being so passionate about it, it doesn't feel like (school) work at all.  I've been very lucky in so many aspects of that project-- magaling ang mga artistang napakiusapan ko, sinwerte ako dahil nung mga panahong naghahanap ako ng concept for a short film, I got to talk to the right person at the right time. Luck had a lot to do with it, honestly. And even if it came out the way it did because I did a good job, it's not something I should pat myself on the back for--- instrumento ka lang, bes.  May purpose kung bakit sa iyo ibinigay. It's not about you, at all, so always keep that in mind. You are just an instrument, so serve your purpose.

Lord, kayo na po ang bahala. Okay lang po kahit ano, Lord. I'm grateful for the things I have now, I cannot want for more (except.. money? promise po, ishashare ko! maraming makikinabang).

I'd better move my ass at asikasuhin na yung mga dapat isubmit. Kung aabot ako ng 5 PM submission today. Deadline bukas, pero gusto ko nang gawin to today para matapos na at maka-move on na ako bes! Bihira lang ang task-free days like this! Need ko na magpa-wax ng legs, pahaircut, padentist, kumuha ng sweldo, maggrocery, at marami pang ibang little thingies na kailangang asikasuhin sa life.






No comments: