Wednesday, September 30, 2009

FOCUS.

easier freakn said than done. aw, shut up. time is running out, beeyatch. you have less than 24hours now. why dont you just freaking CUT the internet and just keep writing and don't freaking stop? don't even watch the show at 6pm and just...KEEP WRITING????

ampangit ng nagiging habit ko. crammer beeyatch.

i just don't feel right. not feeling right right now. i really should just FOCUS. and forget everything else, but this story you need to freakin tell, freak.

sa kuko ng setyembre

sleepless. lumaklak ng maraming kape para hindi makatulog dahil may deadline na hinahabol. i have more than 24 hours to finish 20-plus sequences. chicken for some. pero nahihirapan talaga ako.

three days since the great deluge. nung mga panahong nag-marathon rain for 7 hours straight, i was fast asleep. galing kami ng lockin ng mga co-writers ko at hanggang alas-7 ng umaga sa quezon city. mabuti na lang at naisipan na naming umuwi by then, dahil in an hour pala eh darating na ang delubyo. if we had stayed later, baka na-stranded kami sa quezon city.

alas-onse ng umaga, tumawag ang co-writer kong si penguin. it was raining outside, but i was too drunk with sleep to notice anything unusual. may alarm sa boses ni penguin--ok lang daw ba ako? i even thought the question was weird. sabi ko, oo...bakit? kasi daw inabot na ng baha ang sahig ng kwarto nya. hindi pa ko makausap nang matino. kasi nawi-weirduhan talaga ako na ginising pa nya ko just to say na binabaha ang kwarto nya. at that time, i didn't think there was anything to be red-alerted about.

went back to sleep after the call, was woken up by the brownout at 5pm. buong gabing walang ilaw sa lugar namin. the rain wouldn't stop, but i saw nothing to be worried about. naka-confine ang consciousness ko sa immediate environment---stormy, but since we were on high ground, hindi naman bumabaha. all evening may mga nagtetext to ask kung ano ang lagay ko dahil binabaha na raw ang buong marikina. the next day, seeing everything on tv, nun ko lang nalaman ang extent ng damage na hinatid ng bagyo.

it was surreal. watching the images on tv, i nurtured mixed feelings. half thankful to god na we were lucky to have been spared. half distressed for those who weren't as lucky as we are. lalong surreal nang nag-travel na ako the next day to see with my own eyes ang ruins na iniwan ng bagyo. nagsubside na ang baha pero kita sa mga buildings at mga bahay ang outline ng water level. everywhere there was mud and kuyagots. pati isang metal na karatula, nayupi sa tindi ng sinapit the day before. along the marikina bridge at sa barangka, andaming mga kotseng nakabalandra lang sa gilid ng kalsada. yung iba, parang mga matchbox cars na binangga ng isang destructive na bata against another car.

surreal din makita sa tumana (one of the worst-hit areas in marikina) yung mga homeowners na busy na nagtutulungang linisin ang mga bahay nila. it was monday and everyone was in working mode. nilalabahan ang mga damit, binabrush ang mga furniture. nakapila sa poso. nakapila sa bigasan. ang busy busy ng lugar in the midst of the wreckage. contrapuntal, dahil buhay na buhay silang lahat. tama ang isang kaibigan nang magcomment sya na ang mga pinoy, hanep sa bayanihan. and may i add na sa mga nakita ko sa tv, hanep din ang mga pinoy sa katatagan dahil binaha na nga at lahat, nakukuha pa ring ngumiti. binaha na at lahat, hindi gi-give up. lalangoy kung kinakailangan, and with a smile to boot.

nakakalungkot makita ang hometown ko na ganun ang itsura. for someone who's normally apathetic sa current events---hindi nga ako bumoboto--kinurot talaga ako ng nangyaring to. my heart goes out to those who lost their property. lalo na sa mga taong namatay o namatayan. i used to love rain. i used to love water. pero ngayon, konting ulan lang, konting baha lang na madadaanan on the way home, nara-rattle ako. paano pa kaya yung mga talagang nasalanta. financial and emotional ang hagupit sa kanila, at dadalhin nila yun for who knows how long.

sabi nila, parte daw si onyong ng climate change. sintomas sya. at hindi imposibleng may mga sumunod sa kanya. sana naman lord, wag na. kung hindi maiiwasan, at least sana handa na kaming lahat. sana wala nang mangyaring ganito.

8am. demmet.

nene, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa yo.

buhay na buhay ka na. at kami ang sumusulat ng buhay mo. natatakot akong sirain yung buhay na yon. with every script, dala ko ang takot na yon, at habang tumatagal, lalong tumitindi. kahit hindi lang ako ang may responsibilidad sa pagsusulat. nakaka-stress pa rin.

tulad ngayon, ne. paano na ba to? may balangkas na, pero parang hindi ako solved. hindi kita pwedeng sulatin na parang 2-dimensional na cardboard ka lang. kailangan sulatin kita na parang totoo kang tao. pagod na ko, hindi ko na alam kung paano. kailangan ng extra effort para iwasan ang hindi dapat gawin. extra extra effort pa rin na gawin ang tama, ang effective. at sa totoo lang, sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang magiging effective. all i have is this fear. of ruining the illusion. of failing you. of not meeting the deadline. not necessarily in that order.

nene, tulungan mo ko. nag-ask na ko kay god ng tulong. sa yo naman ngayon, bilang totoong tao ka na sa utak namin. tell me, what would you do? how would you feel? what will bring you there from here? ano? bakit? paano?

24 hours pa naman. we have time, ne. talk to me. schizo mode, but kebs. as the weeks fly by, it's getting harder and harder to keep you alive and real. please, help.

magiging busy ang october. lord, help. sana kayanin ko nang walang magsa-suffer. ok nang ako ang mag-suffer, basta ok ang trabaho.

Saturday, September 19, 2009

90s kid forever

they're playing late-90s songs on the radio. bigla akong bumalik sa "wonder years" ko--late highschool and the entirety of college. sunud-sunod ang kanta, at kilala ko lahat ang mga artists, alam ko lahat ng mga lyrics. i don't wanna wait ni paula cole. don't throw it all away ni jennifer love. "it's another sad love song..." ni toni braxton. "how do i live" ni trisha yearwood. ang mga unforgettably forgettable songs ng boyzone. HAY. ika nga ni celine dion nung 1997, it's all coming back to me now. nostalgia mode.

there was a time na kasama ko sa sleeping rituals ko ang panonood ng MTV. na araw-araw kong pinapatugtog ang mga kanta ni sarah mclachlan sa CD/cassette player ng tatay ko. ang sarap magwala sa harap ng salamin habang nakikikanta with alanis morrissette ng "you oughtta know". ang sarap mag-"dancercise" to the tune of "wannabe", "who do you think you are" and "spice up your life" ng spice girls. and there was a time na nasikmura ko na rin ang "quit playing games" ng backstreet boys, if only for the pretty instrumental intro (and the cheesily pretty Wet Boys music video). naging part din ng life ko noon ang pagkain sa (then-new) Kenny Rogers along katipunan, na laging nagpapatugtog ng mga songs nina trisha yearwood at shania twain.

back to present. nagsalita ang DJ sa radio: welcome to our Retro Show! natigilan ako. natigalgal. napatiimbagang ---did i hear right? RETRO na ang 90s? wasn't it only yesterday? sya na ba ang bagong retro ngayon? ganon na sya katagal? no sh**t?!

and then it hit me. my gas, the 90s is the first decade that i've REALLY lived through, from start to end. pinanganak ako ng 1980 pero the early and mid-80s were just a blur to me. pero ang 90s, buong ningning kong naaalala. 10 years old na ko nung 1990. naaalala ko na ang "vogue" music video ni madonna, ang "it must have been love" ng roxette (na soundtrack ng "pretty woman" starring julia roberts), ang "toyang" ng e-heads (na paulit-ulit na pinapatugtog ng isang kong highschool classmate sa isang field trip noon), at ang "humanap ka ng panget" ni andrew e. in essence, milestone decade ko ang dekada '90. kasi sya ang unang dekada na nasaksihan ko vividly from start to finish. it was my growing-up decade. and for that, the 90s will always be special for me. aww.

now my second decade is about to end. 2000-2010. sige lang, bring it on. i want to live through many many decades more. pero ika nga ni sinead o' connor nung 1991 (?), Nothing Compares to You, '90s. ehe.

other songs from the Soundtrack of my 90s:

"Stay" by Lisa Loeb (dedicated to my ultimate highschool love J.L.---damn, what did i see in you?!)

"The Actor" by Mchael Learns to Rock (ang ganda ng instrumental. syet. tinransport ako sa isang fantasy time and place noon.)

"Magasin" by E-heads. (wala kong pakialam kahit pangit ang boses ko, basta kakantahin ko to anywhere, anytime i want)

"You Were There" by Rick Price (?). isang dapithapong naalimpungatan ako, napatingin ako sa labas ng bintana. in my barely-awake eyes, ang ganda-ganda bigla ng papalubog na araw. tapos narinig ko ang kantang to sa radyo. parang nagka-scoring ang paglubog ng araw. it was surreal.

"Andrew Ford Medina" by Andrew E. nung 10 years old ako, aliw na aliw ako sa kantang to. pagalingan kami ng mga pinsan ko sa pagkabisa ng lyrics nito. hehe.

"Lambada". sinayaw namin to ng mga pinsan ko on my 11th birthday. ako pa ang nagchoreograph, haha.

"Cherish" by Madonna. my first favorite music video nung 1990. ewan ko kung bakit. bago pa lang kasi sa akin ang music videos noon. hindi ko pa alam ang MTV.

"Bizaare Love Triangle" by Frente. 14 ako non. i used to sit outside our house on rainy afternoons. ito ang kantang tumutugtog sa utak ko.

"Cot" from the "Speed" soundtrack. Keanu was a memorable fixture of my highschool years. bumili pa ko ng soundtrack ng launching movie nya, at ito ang kantang tumatak.

"I'm Gonna be a Supermodel" from the "Clueless" soundtrack. in my mad quest to be as thin as i could be (circa mid-90s), ito ang naging national anthem ko at some point.

"Adia" by Sarah McLachlan. heavenly.

"With or Without You" by U2. naaalala ko ang isang memorably serene moment with the sea and sky nung '98 pag naririnig ko ang kantang ito.

"Sunny Came Home" by Shawn Colvin. MTV brought me closer to this song. ang ganda ng video, ang ganda rin ng kanta.

"Runaway" by the Corrs. summer 1998. it was the benchmark song.

"I try to say goodbye and I choke..." ni Macy Gray. Naaalala ko yung crush kong teacher. Minsan hinulaan ako na mai-inlab daw sya sa akin. imposible, kasi bading sya. pero pag nung mga panahong torn ako between being realistic and being hopeful, ito ang kantang lagi kong pinapakinggan.

at marami pang iba. basta. gusto kong ulitin ang panahong yon. makikinig na ko ng radyo araw-araw from now on.

Sunday, September 13, 2009

browsing back

from an entry 3 years ago, during my Days at Da BeeBee Haus:

march 9. three weeks and i'm saying hello to the outside world. it's brief wayward swims like these that stamp out the idealist in me. but i wouldn't have had it any other way. ika nga ng kung sino, things happen for a reason. maybe i won't see it now, but the reason will eventually turn up.

the last sentence makes me want to laugh out loud. so all things happen for a reason. if my BB stint happened for a reason, ano yung reason?

well, i fell in love. haha. the me of three years ago would've barfed and rolled eyes at that answer. but it happened. if it weren't for those breezy six weeks, i never would've met osobear, and that's something i would forever be grateful for.
knock on wood, wag sanang magbago!

just a li'l lovesick thought. haha. i miss osobear! grrr!

Thursday, September 10, 2009

on a day with a meeting sked that's not yet sure

a part of me doesn't want to, a part of me needs to. who doesn't need money. and opportunity. but the group has been my comfort zone. now we know what they say about comfort zones. you always should try to get out of it.

i hope they retain us. we need that show. if money would be the only consideration, i'd pick that show over the soap. hay.

we'll reach 40. i will the universe to conspire with us. and then, they'll give us that out-of-town reward. basta! 40! at ireretro ang maliit na increase! at dadagdagan ng brainstorm fee! yayaman ako dahil sa soap! i will it! i will it!

i miss high school friends. i'm only in touch with them thru fb. karamihan sa kanila mga wives and mothers na. ang late bloomer ko talaga. mas lalong late bloomer si osobear. hay.

may kaklase ako noon, partner in crime ko pagdating sa kapilyahan. tuwing graduation practice namin nung highschool, we'd have an inside joke. each time may tinatawag na studyante sa stage para i-accept ang diploma, pinapalakpakan di ba, pero ang lakas ng palakpak naming dalawa ay depende sa kung gaano kalaki ang puwet ng studyanteng umaakyat ng stage. dahil nasa harapan kami pareho, kitang-kita namin ang mga puwet nila kaya pag malaking puwet, malakas na palakpak, tapos maghahagikgikan kami. eventually some of our other classmates caught on with our joke, kaya nung turn na nilang umakyat sa stage, masama ang tingin nila sa amin, tinitingnan nila kung gaano kalakas ang palakpak namin. haha. those were good times.

ngayon dalawa na yata ang anak nya. at kahit living in the same barangay lang kami hindi na kami nagkikita. ano ba kasi ang matagal na pwedeng pag-usapan na idadayo mo pa papunta sa kanila. hanggang fb na lang ang correspondence. the years caught up with us. we've led too different lives. well, no excuse. lagi akong busy e. di pa rin excuse. kung yung super bestfriend ko nga nung college na balikbayan di ko pa ma-meet for coffee, panu pa kaya yung highschool friend.

hay. bat ayaw nyong sumagot sa txts namin.

on a sunny note, may butal pa pala akong weekly sa movie na sinumpa ko last year. haha, ang tagal na. pero sayang din yon kaya bukas, kukunin ko, along with the sweldo for the soap. na hindi ko pa alam kung ilang weeks. buti na lang may raket ako (na hindi pa rin bayad nang buo, anuba!). kaya nabuhay these past two weeks nang medyo maginhawa. medyo lang.

kung hindi tuloy ang brainstorm today, sasama ko sa nanay ko sa pagpapacheckup nya today.