sleepless. lumaklak ng maraming kape para hindi makatulog dahil may deadline na hinahabol. i have more than 24 hours to finish 20-plus sequences. chicken for some. pero nahihirapan talaga ako.
three days since the great deluge. nung mga panahong nag-marathon rain for 7 hours straight, i was fast asleep. galing kami ng lockin ng mga co-writers ko at hanggang alas-7 ng umaga sa quezon city. mabuti na lang at naisipan na naming umuwi by then, dahil in an hour pala eh darating na ang delubyo. if we had stayed later, baka na-stranded kami sa quezon city.
alas-onse ng umaga, tumawag ang co-writer kong si penguin. it was raining outside, but i was too drunk with sleep to notice anything unusual. may alarm sa boses ni penguin--ok lang daw ba ako? i even thought the question was weird. sabi ko, oo...bakit? kasi daw inabot na ng baha ang sahig ng kwarto nya. hindi pa ko makausap nang matino. kasi nawi-weirduhan talaga ako na ginising pa nya ko just to say na binabaha ang kwarto nya. at that time, i didn't think there was anything to be red-alerted about.
went back to sleep after the call, was woken up by the brownout at 5pm. buong gabing walang ilaw sa lugar namin. the rain wouldn't stop, but i saw nothing to be worried about. naka-confine ang consciousness ko sa immediate environment---stormy, but since we were on high ground, hindi naman bumabaha. all evening may mga nagtetext to ask kung ano ang lagay ko dahil binabaha na raw ang buong marikina. the next day, seeing everything on tv, nun ko lang nalaman ang extent ng damage na hinatid ng bagyo.
it was surreal. watching the images on tv, i nurtured mixed feelings. half thankful to god na we were lucky to have been spared. half distressed for those who weren't as lucky as we are. lalong surreal nang nag-travel na ako the next day to see with my own eyes ang ruins na iniwan ng bagyo. nagsubside na ang baha pero kita sa mga buildings at mga bahay ang outline ng water level. everywhere there was mud and kuyagots. pati isang metal na karatula, nayupi sa tindi ng sinapit the day before. along the marikina bridge at sa barangka, andaming mga kotseng nakabalandra lang sa gilid ng kalsada. yung iba, parang mga matchbox cars na binangga ng isang destructive na bata against another car.
surreal din makita sa tumana (one of the worst-hit areas in marikina) yung mga homeowners na busy na nagtutulungang linisin ang mga bahay nila. it was monday and everyone was in working mode. nilalabahan ang mga damit, binabrush ang mga furniture. nakapila sa poso. nakapila sa bigasan. ang busy busy ng lugar in the midst of the wreckage. contrapuntal, dahil buhay na buhay silang lahat. tama ang isang kaibigan nang magcomment sya na ang mga pinoy, hanep sa bayanihan. and may i add na sa mga nakita ko sa tv, hanep din ang mga pinoy sa katatagan dahil binaha na nga at lahat, nakukuha pa ring ngumiti. binaha na at lahat, hindi gi-give up. lalangoy kung kinakailangan, and with a smile to boot.
nakakalungkot makita ang hometown ko na ganun ang itsura. for someone who's normally apathetic sa current events---hindi nga ako bumoboto--kinurot talaga ako ng nangyaring to. my heart goes out to those who lost their property. lalo na sa mga taong namatay o namatayan. i used to love rain. i used to love water. pero ngayon, konting ulan lang, konting baha lang na madadaanan on the way home, nara-rattle ako. paano pa kaya yung mga talagang nasalanta. financial and emotional ang hagupit sa kanila, at dadalhin nila yun for who knows how long.
sabi nila, parte daw si onyong ng climate change. sintomas sya. at hindi imposibleng may mga sumunod sa kanya. sana naman lord, wag na. kung hindi maiiwasan, at least sana handa na kaming lahat. sana wala nang mangyaring ganito.
8am. demmet.
nene, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa yo.
buhay na buhay ka na. at kami ang sumusulat ng buhay mo. natatakot akong sirain yung buhay na yon. with every script, dala ko ang takot na yon, at habang tumatagal, lalong tumitindi. kahit hindi lang ako ang may responsibilidad sa pagsusulat. nakaka-stress pa rin.
tulad ngayon, ne. paano na ba to? may balangkas na, pero parang hindi ako solved. hindi kita pwedeng sulatin na parang 2-dimensional na cardboard ka lang. kailangan sulatin kita na parang totoo kang tao. pagod na ko, hindi ko na alam kung paano. kailangan ng extra effort para iwasan ang hindi dapat gawin. extra extra effort pa rin na gawin ang tama, ang effective. at sa totoo lang, sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang magiging effective. all i have is this fear. of ruining the illusion. of failing you. of not meeting the deadline. not necessarily in that order.
nene, tulungan mo ko. nag-ask na ko kay god ng tulong. sa yo naman ngayon, bilang totoong tao ka na sa utak namin. tell me, what would you do? how would you feel? what will bring you there from here? ano? bakit? paano?
24 hours pa naman. we have time, ne. talk to me. schizo mode, but kebs. as the weeks fly by, it's getting harder and harder to keep you alive and real. please, help.
magiging busy ang october. lord, help. sana kayanin ko nang walang magsa-suffer. ok nang ako ang mag-suffer, basta ok ang trabaho.
No comments:
Post a Comment