november 18, saturday. perstaym kong nagdirek ng isang fashion show. nung unang in-offer sakin yung trabaho, akala ko, nagpapatawa yung organizer. ano bang alam ko sa fashion show? hanggang panonood lang ng Lifestyle network ang alam ko sa mga ganyang bagay, ni hindi pa nga ako naka-attend ng actual fashion show sa tanang life ko.
pero hindi sya nagpapatawa, seryoso sya, at napag-isip-isip ko rin na hindi dapat tinatanggihan ang grasya at opportunities na literally eh hinahain na sa hapagkainan mo. so sabi ko, ok go.
one night only at the Boardwalk, Subic Bay. lalo akong na-excite kasi out-of-town sya, at malapit sa dagat. i love the sea. i love going on-location. on the eve of the show saka ko pa lang nalaman ang mga detalye. hindi lang pala sya fashion show, parang bikini competition din. bikini open, ba. ok. ano bang alam ko sa bikini competitions? bottom line is, live show sya. at least familiar na ko sa live shows. kahit na mukhang disorganisado ang grupong to, at least napa-oo ko sila sa talent fee na hinihingi ko. kahit kulang sa oras, kahit mukhang first time din ng organizer na kumarir ng ganitong racket (model kasi sya na sume-segue na sa pagiging events organizer), ang sabi ko na lang sa sarili ko, "para lang akong magdidirek ng variety show para sa broadcom class. how hard can it be?"
haha. i was wrong.
6 in the evening, Subic Bay. i was close to hyperventilating. syempre hindi ko pinapahalata, pero abot-langit ang pangangamba ko. hindi pa bihis lahat ng mga models. hindi pa plantsado ang blocking ko sa kanila. hindi pa printed out ang sequence outline/script. hindi pa tapos ang rehearsals namin pero dahil alas-6 na kelangan na nilang magbihis. punyeta, nagdasal na lang ako! lord kayo na lang bahala, sana lang hindi kami magkalat mamaya.
naiinis ako sa organizer dahil hindi nya diniscuss ang project sakin earlier. naiinis ako dahil 24 hours lang ang binigay nya sa king oras para maghanda. naiinis ako dahil sabi nya alas-10 ng gabi magsisimula ang show, pero alas-8 naman pala. naiinis ako dahil nilagay nya ko sa ganitong sitwasyon, pero wala kong panahon para mainis at that time, marami pang dapat isipin.
7 in the evening. Boardwalk stage. bini-brief ko ang host na syang magdadala ng buong show, kung sakaling magkagulo-gulo ang blocking ng mga models sa stage. yung host, naka-tshirt lang na black na may brand pa yata ng beer sa harap, para bang hinugot lang kung saang talyer (hahaha oo masama ako). as i prattled on about what was going to be the flow of the show i gravely wondered if this guy would be able to pull it off. bahala na.
pero nung nagsalita na sa microphone is manong host, para syang nag-transform. ang ganda ng boses, parang dj. pag pumikit ka, hindi mo maiimagine yung manong na parang taga-talyer. pati english diction, karir. ok, nakahinga ako don. at least hindi ko na sya poproblemahin.
9 in the evening. nag-start na ang show. in attendance ang governor ng subic. kaloka. as the show went on naalala kong bigla yung brief stint ko sa Da Haus at sa Kilig Show nung unang panahon. buti na lang may experience ako sa live shows. marami pa ring sabit althroughout the show but somehow we were able to pull it off. it could've been way way better pero happy enough na ko natapos din ang gabi.
backstage i met with the Head of the Committee who had commissioned our event organizer to mount the fashion show. ang laking tinik na nabunot sa dibdib ko when he told me that he was "more than satisfied". punyeta! promise? i searched his face for any sign that he was just bullshittin me. i couldn't tell. and it drove me crazy!
but i got a definitive answer at the end of the night, nung nagbibigayan na ng talent fees. binigyan nya ko ng bonus. haha, yey! nawala nang tuluyan ang pagod ko. all of a sudden gusto kong magpaiwan sa subic at gumimik til dawn. gusto kong mag-videoke. gusto kong maligo sa dagat kahit gabi!
12 midnight. the models and the staff trooped to the nearest dining place for late dinner. perstaym ko din na makipag-hangout sa mga mowdels! haha. ako yata ang pinakamatanda sa grupong yon. lahat sila halos mga teenagers or in their early twenties.
we arrived in manila at 4 in the morning. a hectic stress-filled day, but all was well that ended well. i went home tired but smiling. i guess this project just about caps a hectic seven-day dalliance-with-the-whirlwind for me. i'm looking forward to doin more stuff like this, and other stuff for the movies as well, but i'd be glad enough for a momentary breather for the next two days, somehow. bumming at home. eating. sleeping. wathching dvds. reminiscing on the events of the past seven days. and smiling althroughout.
:-)
No comments:
Post a Comment