i love collecting memories. siguro kasi mas naaappreciate ko ang isang experience o pangyayari only when it's no longer part of the present. delayed ako lagi by one light year pagdating sa appreciation ng mga ganyan. minsan mari-realize ko na lang na masaya pala ako pag nakalipas na yung moment at hindi na ko masaya. hahaha! ang lungkot no. kaya para hindi naman ako dehado, nire-relive ko na lang sa utak ko. pwede ko pang i-rewind, i-pause, i-fastforward na parang pelikula.
lately ang laking tulong ng pictures sa memory collection ko. moments on a freezeframe. proof that you’ve lived through a particular experience. visual aid sa pagre-reminisce mo. i love taking pictures! para kang may ikatlong mata, at bongga ka dahil ang third eye mo, may recording capability. lately nga nagiging OA ang pagpipeechure-peechure ko. minsan pati damo, putik o maduming sapatos ng katrabaho ko, napapagdiskitahan ko. lalo na nung time na nagshu-shooting kami sa bundok, para sa project ni Direk. para bang halos bawat sandali gusto kong hulihin at isilid sa bulsa ko. kasi alam ko na pagkatapos ng shoot, sobrang matutuwa ako pag binabalikan ko na yung mga pictures. everything will come back in a flood. and everything will look golden, on hindsight.
naa-amuse ako sa reaksyon ng mga tao pag nakatutok sa kanila ang kamera, pag alam nilang pinipiktyuran sila. Karamihan, nagiging self-conscious, may-i-tuck-a-lock-of-hair-behind-the-ears ang drama, o biglang nagiging stiff na di mo mawari. yung iba naman, kunwari deadma, at malalaman mong "kunwari" lang kasi nagiging OA ang pagka-seryoso o pagkapormal. Meron din namang iba na medyo showbiz o "bakla" kaya game mag-pose. at meron ding sadyang camera-shy talaga, yung ayaw talagang magpa-picture at alam mong hindi ito kyeme o pagkukunwari lang. ito yung mga taong bigla na lang aalis at mawawala sa frame pag na-sense na nilang nakatutok sa direksyon nila ang (candid) camera. haha.
favorite kong piktyuran yung mga ganong tipo. napaka-elusive kasi nila. para bang pag nakakuha ka ng shot that would capture a nuance that is unique in that person alone, solved ka na. ika-kwadro mo na. well, sorta. kasi ganon siguro ang magiging feeling ko kung makakuha ko ng isang uber-gandang candid shot ni Direk. hahaha! (oo, kaya ko kinukwento to kasi gusto ko lang syang banggitin, kaya pwede ka na ring tumigil sa pagbabasa. ;-P)
dahil sa hilig kong magkolekta ng memories kaya ako nag-imbento ng virtual Time Capsules (na binabanggit-banggit ko na sa blog na to dati). sa ngayon dalawa pa lang ang Time Capsules ko--a bundle of happy memories, each involving a certain person--at malamang eh madadagdagan pa kung mabubuhay pa ko nang matagal.
sa Time Capsule #1 nakasilid lahat ng favorite kong memories about Frog Princess (siguro sya na yung closest to a "first love" na matuturing ko so far...haha kainis, pathetic). salamat sa kanya, nakapagsulat ako ng sandamukal na happy-sad bittersweet pseudo-poetic blog entires last year. natatawa na lang ako pag binabasa ko uli ngayon yung mga entries na yon, pero at that time, mangiyak-ngiyak pa ko nung sinusulat ko ang mga yon. haha, drama queen ito.
nabuo ang Time Capsule #2 because of an onslaught of novel experiences. first-times, baga. of the wholesome, bubblegum-romantic nature. not necessarily because of the person involved. ewan. di ko na lang isusulat, kasi di pa naman sarado ang Time Capsule na to. marami pa nga kong maidadagdag from the past few months.
i don't make a big deal about the little things that this person has done for me (or for himself?), but i vividly remember them all. and every happy memory automatically goes to TC#2.
happy, happy. my favorite word.
happy memories lang ang kinokolekta ko. feeling ko coping mechanism na rin. to maintain a relatively light disposition. to dilute the natural intensity. na-discover ko sa sarili ko na may mga katotohanan palang hindi ko gugustuhing malaman. o kung alam ko na, mas gugustuhin ko na lang na kalimutan.
deny, ignore, detach, let go. Familiar items in the survival kit. Ampangit no, kasi parang nag-eevolve ako into someone who would rather live in blind, ignorant bliss.
but I’m thankful for the fact that no matter how strongly i turn away from certain truths, there will still always be a part of me that, well, Knows. A part of me that is Fully Aware. Of the real deal. Of what it is, in black and white. that's why despite all the characteristically "crazy" things i've said and done in the past 26 years i can still say i'm perfectly sane. kasi may bumabalanse pang realist/pessimist side ng personality ko sa idealist/optimist side. We all have our own dualities. Our own jekylls and hydes.
Hah, booooring! naging self-dissecting dissertation na itich. at kumusta naman ang mga high-fallutin’ words? hahaha
hemingways, pasensya na. just playing shrink to myself.
No comments:
Post a Comment