tama ang isa kong katrabaho nang sinabi nyang isang araw lang talaga ang day-off namin sa project compost. kahit three times a week lang ang shoot.
kasi, every shooting day, 24 hours. so yung susunod na araw na supposedly walang shoot, itutulog mo na lang.
w-f-sun kami, kaya yung thursday, actually, pantulog na lang yon bago ka magtrabaho ulit. yung monday naman, ganon din. kaya actually, tuesdays lang ang pahinga.
eh tuesdays, me klase ako. saturday, me klase din ako. kaya tulog lang talaga ang pahinga.
exhaustion. mental, physical. mag-memorize ka, magsulat ka, tumakbo ka, pay attention, attention, attention. in between takes naman, magyosi ka. mag-angst ka. magpakaexistential ka kung may mahaba-habang hintayan. but at the end of the day, it's still the same. pagod ka.
minsan napapagod na ko sa kaka-analyze kung bakit nakakapagod mag-shoot. nung nagsusulat ako, nung story ed ako, pagod din ako. pero nakaupo lang ako, nasa bahay lang ako, or nung brief stint ko sa pee-bee-bee, nasa Bahay ako ni kuya (kung san may aircon 24/7 at kembot lang ang physical activity ko). masakit sa ulo, binabayaran ka kung anong maibibigay ng utak mo, hindi ng katawan mo, pero hindi, iba pa ring klase ng pagod pag utak at katawan ang nire-require sa yo for a week's wages. ang saturation na mararamdaman mo pag sumigaw ng "Action" at nag-roll ang camera at kelangan mong magmulti-tasking, internally and externally.
mahal ko pa naman ang trabaho, pero syempre laging nasa back-of-my-mind, i'm in the right place but not in the position i aspire the most. that's why i look forward to tuesdays and saturdays everytime. kasi binibigyan nya ko pag-asa. na i can be more than what i am required to be now.
lagi namang issue ang pera, lalo na ngayong nag-aaral ako at andaming exlusivity clauses sa kontrata. kaya kahit ayoko na munang tumanggap ng "raket" after Project Compost, kelangan pa rin. nahihiya ako sa parents ko, kasi parang ineexpect nila na bubuhayin ko na sila. minsan the thought invites itself in, na kung para sa pamilya ko lang, i would go the more conventional, "normal" path, that is to take on a steady-paying, high-paying corporate job. at least dun kaya ko silang buhayin. at least dun hindi ako maarawan, o mapupuyat, o maiinitan sa airconditioned na mga opisina. at makakapagsuot pa ko ng mala-pasyonistang office girl outfits.
pero hindi. nakapili na ko ng path na tatahakin ko. for life na siguro ito. and i'm glad that my parents understand. pero kahit na naiintindihan nila, alam kong ang laki ng expectations nila sa pag-aaral ko. na eventually, soon or someday, the jobs that it would give me would eventually provide for the whole family. na eventually, maging mas financially lucrative pa sya sa isang steady, high-paying corporate job.
nakakatakot ang expectations na ganon, na kahit hindi nila i-verbalize, palpable pa rin. kasi walang may hawak sa future. and i can only do so much, na hanggang ngayon eh hindi ko pa nga alam kung ano. pag nasa punto na ko ng ganitong pagmumuni-muni, pinapasa-diyos ko na lang. dahil kung ano ang hindi kaya ng tao, for sure kaya ng diyos.
pagkatapos ng project compost, ideally sana makapag-focus ako sa pag-aaral. manood ng mga pelikula in between classes. mag-aral nang mag-aral. if we only lived in an ideal world, siguro pwede.
No comments:
Post a Comment