Monday, September 03, 2007

mother knows best

torn between two values.

money versus passion.
temporary advantages versus the long term.

buti kong pwede kong makuha pareho. but it seems like that wouldn't be possible in this case. one way or another, kahit makuha ko pa pareho, the other would suffer. the passion choice would suffer.

ang hirap. paksyet. minsan may mga opportunities na parang once in a lifetime lang magpaparamdam. pero OA naman yon. gusto ko lang makapunta ng batanes. at gusto ko lang ng income habang nag-aaral.

the adventure. i fell in love with my job because of the adventure. yun ang kelangan kong balikan. yun ang missing sa project compost.

but other things matter as well. things that would matter more, eventually, in the long run.

sabi ng nanay ko, there will be other chances.

mother knows best? di kaya?

ahhhh!

* * *

may nabasa ako. parang bumulusok ang dugo sa ulo ko. buti na lang may isang sentence na nagsasabi ng time factor. and that one sentence matters a lot.

the time factor made all the difference.

buti na lang. otherwise, i would be very, very unhappy.

* * *

trust. isa sa mga sources of fulfillment sa current day job. pag pinagtitiwalaan ka ng pinagtatrabahuhan mo.

dun na lang ako kumukuha ng lakas.

* * *

your job doesn't define you, yes. but it's how you do your job that will say a lot about you.

scriptcon? ano yon? the outsider would wonder.
assistant director, gets pa.
nung olden times nga sa pelikula, walang scriptcon. and films still got made.
pero kung bubusisiin mo ang isang pelikula, marami palang trabahong pwedeng ibigay sa isang taong may role ng scriptcon. yun nga lang, pwede namang makagawa ng pelikulang hindi bubusisiin.

kaya ang final analysis ko, actually, hindi kasama ang scriptcon sa mga fundamental roles sa isang production team. offshoot lang sya ng assistant director job. extension sya ng AD.

yung iba ginagawang entry level job sa pelikula ang pagii-scriptcon. yung iba napapagkamalang PA ang scriptcon. yung iba binabarat ang TF ng scriptcon. minsan naiinis ako. naiinsulto ako. minsan naiisip ko na wag nang tumanggap ng scriptcon job. kasi napaka-underrated, sa totoo lang. underrated and underpaid, kung iisipin mo.

kaya yung ibang scriptcon, nagre-retire at nag-aasawa na lang. yung iba, nage-AD. yung iba, nag-aabroad at nagiging caregiver/cruise photographer/telephone operator.

nung mag-AD ako, na-realize ko na mas nahihirapan pa ko sa trabaho ko as scriptcon kesa trabaho ko as AD. mas madaling gumawa ng shooting schedules, o magpadouble time sa mga crew, o tumulong mag-mount ng eksena para sa direktor. pero nakakasakit ng ulo ang scriptcon job, dahil dapat mentally present ka palagi, at lagi kang nagsusulat. nag-AD na ko sa dalawang feature projects, at dun ko na-realize na hindi ko kayang mag-AD at scriptcon at the same time. na malaki pala ang dependence ko sa scriptcon, at kasama na dun yung emotional dependence. pero hindi lahat ng tao sa production, nakikita yon. kasi, kami lang ang nagkakaintindihan.

up until one year ago, may secret belief ako na tanging Assistant Director lang ang makaka-appreciate sa trabaho ng isang scriptcon. pero i was proven wrong. sanga lang ang scriptcon ng AD pero naka-konekta sya sa direktor. at malaking pampalubag loob, pamawi ng pagod puyat at burnout, pag ang direktor mismo ang mag-aacknowledge na nakakonekta ka sa kanya, na kailangan ka nya, na pinagtitiwalaan ka nya. ang you feel that your work is vindicated, na may hustisya pa rin sa mundo kahit hindi mo laging nakukuha ang gusto mo, dahil alam mo na you have worked to earn that trust, that you've given your best efforts to earn it, and you would do your damn best to keep it, dahil isa yon sa mga bagay na hindi mapapantayan ng pera o prestige.

kahit na. kaya lang ako nagscriptcon at AD dahil gusto kong maging direktor. eto na. binbigyan na ko ng pagkakataon. kung may isang bagay na once in a lifetime lang darating sa yo, siguro ito na yon.

hindi mawawala ang batanes. unless lumubog sya.
money will always be earned, so long as you're working for it.
prestige projects will come along again, god willing.

pero isang beses ka lang papag-aralin ng isang kumpanya. isang beses ka lang pagtitiwalaan enough para mag-invest ng pera sa yo.

at tama ang nanay ko all along (kahit na-sense kong nanghihinayang din sya sa possible income na mawawala). studies first, above all else.

No comments: