Thursday, August 30, 2007

rambbbblings

first time magpunta ni big brown baby bear sa tagaytay kahapon. haha. wala lang.

miss ko na tong oso kong to. next week ko na naman sya uli makikita.

hay. bakit may mga instances na parang napakahaba ng panahon.

* * *

miss ko na rin ang manok-pantubig kong blog-neighbor na si maryrose. buti ka pa, nakapag-cinemanila marathon. ang ganda ng blog entry mo for noringai, believe me, kahit ako naka-relate. i agree, when you're still in the middle of it you think magiging big deal ang araw na magiging totally immune ka na sa taong yon, pero when finally dumating na ang araw na yon, halos hindi mo na nga na-realize na dumating at lumipas na sya. parang wala lang.

and then, eventually, the next time you see him, you'll realize that's he's been reduced to Just Another. memories notwithstanding. ika nga ni joey albert, i remember the boy, but i don't remember the feeling anymore. hahaha.

alam mo bang nung huli kong nakita ang paborito kong bading na si FG, bineso nya ko? never pa nyang ginawa yun sa kin, ever, kaya just for the heck of it, i mentally noted the moment. haha. nakakaamoy din siguro talaga ang lola kung may malisya pa sa katawan ang kabeso nya o wala. kahit anong pagtatago ko noon, siguro it really just reeked out of me. instinctively, alam nya; i wouldn't have needed a ted to tell the secret. haha!

gusto kitang kwentuhan tungkol sa first days ni monj as the New Girl in School. haha. pero tsaka na lang pag nagkita tayo. Mean Girls ang role namin nina ted at dado.

* * *

actually, naging doubly happy ang pagbabalik-skwela because of our friend monj. kahit na nadagdagan na naman ang mga "I Have to Win" personalities sa klase. hahaha. monj, magdala ka naman ng masarap na baon sa school. tuyot kasi ang adobong binebenta ni teacher marilou sa canteen. argh!

after every class na lang, sumasakit ang ulo ko. not in a negative way. syempre negative yung fact na masakit sya pero i take it as a good sign. that there's just so much stuff to take in and remember, i'm afraid to let go of all that info. the headache must mean my brain is working extra hard to retain everything.

after every class din, lagi akong may pangamba. lagi akong intimidated. kasi gusto kong ma-put to practice lahat ng mga pinagsasabi ng teacher namin. lagi kaming tsina-challenge. na dapat ganito, dapat ganyan. na ang pagdidirek, hindi lang basta basta. kelangan malalim, kelangan pinag-isipan. pero dapat, effortless. at syempre wag kalimutan na hindi dapat magpakulong sa kahon.

para kong bumalik sa kinder, parang nabura lahat ng mga nagawa ko in the past five years at gusto kong magsimula uli on a fresh blank slate, to do things the way we've been taught, na syempre hindi naman talaga bible-truth but the theories sound sane and sensible and they just might work. parang birth pains. pero hindi ako ang nanay. corny mang pakinggan, pero para kong pinanganak at pinapalaki uli. traumatic daw ipanganak, sabi ni teacher. hindi ko na maalala pero i can imagine being taken out of your comfort zone into an entirely new, unfamiliar world. yung unang higop ng hangin, yung unang paghinga na hindi mo pa nagawa ever. it causes dis-ease (term din nya to, hehe), the kind of anxiety that would manifest in a, hmm, headache.

ayun. nagpseudo-psychoanalyze na ko ng sarili ko. kng bakit laging masakit ang ulo ko every tuesdays and saturdays.

ang nakakaaliw dyan, kung tuesdays and saturdays me klase ako, the next day i'd be working in a real movie shoot. and every now and then, each time may disparity ang kapaligiran ko at sa mga tinuturo sa amin sa loob ng classroom, parang naririnig ko si teacher sa loob ng utak ko.

example:
sabi ni direk pagkatapos panoorin ang na-shoot naming shot, "cool! this is very star wars."
sabi ni teacher sa loob ng utak ko: "try not to make films based on other films."

syempre, quiet lang ako, pero natututo akong maging mas kritikal, to look out for things that i shouldn't do when the time comes na ako na ang sasalang sa napakabigat at daunting na trabaho that is feature film directing. dati ganun ako nung nagsisimula pa lang ako sa mainstream movies. pero nawala na yun unti-unti, dahil unti unti ko ding na-realize na hindi naman kami binabayaran para maging kritiko o creative consultants ng direktor. kesa ma-frustrate ako at mawalan ng tiwala sa direktor at sa project, tinurn off ko na lang ang kung anumang switch sa loob that can drive us to be critical and/or creative. it was fairly easy.

pero ngayon gusto kong i-turn on yon uli. ewan ko lang kung magiging healthy yon para sa project ko ngayon. haha.

hay, sana sabado na!

No comments: