less than a day of pahinga/paghinga.
and then, tomorrow, it's back to the grindhouse again. hahaha.
kahapon, isang tanong ko sa assistant director na ka-tandem ko sa Project Compost: "nagkaroon ka na ba ng pelikula kung san each and every shooting day ninyo, more than 24 hours kayong nagtatrabaho, at sa araw-araw na ginawa ng diyos eh laging may mabibigat na mga eksena?"
sagot nya: "meron. dito."
haha. somehow masaya ako nung malaman kong hindi lang pala ako ang first time na nakakaranas ng ganitong working conditions. kahit yung mga mas nauna pa sa kin sa industriya at quasi-senior na, first time ding mawindang nang ganito.
boiling point. na-realize kong hindi na ko nag-eenjoy. that i would no longer be looking forward to going to work every morning. kasi alam kong kinabukasan na naman ng umaga ang uwi ko. iniisip ko pa lang, nakakapagod na.
madugo kasi ang pelikula, per se. at kung tatanungin mo ang karamihan sa min, hindi humanly possible na matapos mo ang ganon kadugong pelikula in 21 days. pero dahil yun lang ang kaya ng budget, best effort ang mga utaw para ma-meet ang daily schedule. ang resulta, sagaran ang bawat shooting day. 6 am to 6 am lagi, every other day of the week. and it's been this way for 12 shooting days now.
ang resulta, pagod ang mga tao. wala na rin silang social life o oras para sa pamilya/loved ones, dahil kung anumang oras ang meron sila na hindi para sa trabaho, itutulog na lang nila. ang dreary. kasi tao lang yan, kahit gano pa nila kamahal ang ginagawa nila, kapag inatake na sila ng pagod at antok, bibigay at bibigay din ang katawan. siguro yon ang rason kung bakit hindi na ko nag-eenjoy. yung pagod na nararamdaman ko every shooting day, naa-outweigh na ang fulfillment na nararamdaman ko para sa trabaho ko.
ewan ko, dati naman may mga shoots din akong ganito. pero hindi naman kasi every single gawddang day eh 24 hours kami in labor. kadalasan alas-2 ng umaga na ang pinakamakatao. on the average, 1 am ang packup time, kung ang calltime mo eh 6 am the day before. buti na lang bagets pa ang lola nyo. kaya pa ng katawan ang chronic kangaragan nang hindi nagkakasakit (knock on wood). pero mega-laklak na rin ako ng centrum at vitamin c, just to be sure. kasi bawal magkasakit!
hindi lang naman sa Compost movie umiikot ang mundo e. kaya ako naiinis sa kanya ngayon, dahil parang ganon na ang lumalabas. napakademanding sa time. ang hirap pagsabayin ng ganito kademanding na trabaho with other thingies in my life. tulad ng skwela. at pamilya. at love life.
naiinis ako, kasi at this point ayokong umikot ang mundo ko sa iisang bagay o iisang project lang. naiinis ako, dahil nakatali ako, at may dalawang movie offers na gustong-gusto ko (si @dolf Alix, may Batanes movie! si J@de C@stro, may Star Cinema movie!) ang hindi ko matanggap dahil nakatali ako. malaking panghihinayang, na nakakadagdag sa negative feelings towards this current project, pero ganon talaga. you made a commitment, stick by it. and try to make the best of the situation.
kahit naman nabuburyo na ko sa project na to, na-realize kong malaki pa rin naman ang malasakit ko sa kanya. buti na lang, dahil may mahigit 15 days to go pa. kelangan kong magkaroon ng malasakit sa ginagawa ko para ma-survive ang 15 days na yon. sige. let's try to get by. matatapos din to.
No comments:
Post a Comment