7:12, thursday night.
itinulog at ikinain ko lang ang buong araw ko. saraaap.
ang sarap kasi ng panahon. parang gusto ko na namang itulog at ikain uli ang gabi.
lalo na't alam kong may matinding araw na naman na naghihintay sa kin bukas.
umulan nga nung nakaraang araw, between 12-1 am. actually, 8pm pa lang pabugso-bugso na sya. ang langit, parang babaeng brokenhearted. haha. mula sa konting pasinghot-singhot na pagluha, bigla na lang bubulalas ng hagulgol any moment. walang pasakalye, walang warning.
ang resulta, basang basa kami ng kasama kong nag-shopping dyan sa hi-top grocery near abs. kasi yung kasama ko hindi mahilig magdala ng payong. ako din hindi mahilig sa payong, pero ayoko rin namang magpakabasa sa ulan noh. pero ang kasama ko, iba ang trip. kahit matataba ang mga raindrops wa sya keber, may-i-lakad pa rin sya under the rain despite it all.
napaisip tuloy ako kung maselan ba kong tao. wala namang maselan sa pag-iingat magkasakit di ba? pasaway lang talaga ang kasama ko. pero masaya yun, dahil first time kong nakasama syang mag-grocery. haha.
packup ang shoot kinabukasan. masaya ko. bad ako, pero masaya ko. pero bukas kelangan na namang magback to work. hay.
prayer, prayer. lagi akong nagpe-pray. when in doubt, when in fear, when worrywart me strikes, tinatapatan ko na lang ng faith. kahit papano, i feel better. i feel secure.
in less than forty eight hours, back to school ako. excited, excited. di pa ko nakabili ng school supplies (at wala naman akong balak, hahaha), pero siguro makakaraos na rin ako with a pen and notebook on 1st day. excited talaga ko! ngayon ko lang mararanasan to uli in five years.
No comments:
Post a Comment