nakakatawa to. one of my friends posted his chikiting pics on mult1ply. two years ago, it would've been a blessing. kasi two years ago, i used to call this friend my frog princess (haha, go figure).
two years ago, he would've endeared himself to me a hundredfold. kasi sobrang kakaibang facet ng sarili nya ang makikita ko sa pictures. ika nga ng isang katrabaho nya, sobrang layo sa "suplado" image na ine-emanate nya when he's out there working. pero ngayon nakakatawa na lang. in a way na hindi pangri-ridicule, in a way na nakaka-endear pa rin, pero marami ako nakita ngayon na hindi ko siguro makikita if i had seen this two years ago.
like yung mga detalyeng tayo-tayo na lang ang makakapansin, na parang inside joke baga. how how the little boy's wrist was frozen in a pretty flip (kung meron lang akong sample photo, binilugan ko na ang detalyeng to), or how he would pose with one head daintily tilting to the side (haha), or how, erm, pretty-prim he would sit up for the camera, so unlike the usual malikot stance of little boys his age. little gems na baka nao-overread ko lang, details na malamang naman eh mapapansin ko din two years ago and would've broken my heart a dozen times over. haha.
at nang nakarating ako sa picture where he's blowing his toy torotot, muntik na kong humagalpak sa tawa, kasi may naisip akong pa-witty na green joke na di ko alam kung san nanggaling. hahaha.
in fairness sa friend ko, cute na sya nung bata pa, pilantik and head-tilting notwithstanding. siguro nga kung naging classmate ko sya noon crush ko na sya noon pa. haha.
i can't wait to forward these chikiting pics to his sanlaksang admirers na kakilala ko. hehe.
hay. parang wala akong trabaho ngayon ano?!
No comments:
Post a Comment