Sunday, October 07, 2007

no more time capsules this time

another shooting day starts in about two hours.
actually, 3. or 4. pero set call, 1pm.
kakatamad. kasi two weeks kaming natengga sa project na to. nakakasira ng momentum. parang unfinished business na pinipilit kang tapusin. lalo na ngayong may nagsimula nang bago, at iba na ang focus mo.

pero kelangang tapusin ang nasimulan na. kasi, committed ka.

at least, sa trabaho. buti na lang iba ang philosophy ko pagdating sa personal relationships.

* * *

nahihirapan akong pagsabayin ang dalawang forces-to-reckon-with. work and school. magkaiba kasing mundo, pero parehong tina-tackle ang iisang subject matter. minsan, o madalas, ako lang naman ang nag-iinterpret sa mga sitwasyon, kung dapat silang ika-pressure o ika-stress. minsan siguro, overreading. pero andun ang mga stimuli, they are real. and nearly every single day of the week, i have to deal with two different pressurized worlds alternately. nadidisorient ako. may nangyayari sa loob ng utak ko na hindi ko mabigyan ng tamang description.

pinaghalu-halong emotions. in my worst moments, parang gusto kong tumakbo. parang gusto kong may takbuhan.

* * *

love. solace and sanctuary. pag bumabalik na naman ako sa trabaho the next day, parang panaginip yung nakaraang araw. yung panaginip na maganda, na parang gusto mong ilagay sa time capsule at balik-balikan in times of stress and distress.

hindi maganda. kasi totohanan na ang usapan. hindi na sya parang isang Ideal Bading na nilagay ko sa pedestal, pero hindi malapit-lapitan. hindi na maganda kung nilalamon ka na ng panaginip. kung hinahanap-hanap mo na yung tao. euw. hindi na healthy, kasi pati ikaw nilalamon na rin ng nararamdaman mo.

i know myself. hindi healthy para sa kin ang magmahal nang todo. anything intense breeds fear. and paranoia. kahit walang stimulus, ako ang magbibigay ng interpretation.

hindi healthy. kasi ako din ang mahihirapan. at ayoko ring dumating sa punto na magiging mahirap din para sa ibang tao. cause it seeps out. kung nalulungkot ako o naiinis ako. kakailanganin at kakailanganin ko ng catharsis. kawawa naman yung mga inosente, kung magiging biktima sila ng neurosis ko.

time to refocus and redirect. mas malaki sa kin ang dalawang mundong nag-uumpugan. okay. fine. hindi naman ako ganon kahina. hindi naman siguro kelangang tumakbo. kaduwagan actually. maraming pwedeng paghugutan ng happiness out of life. hindi ko naman talaga kelangan ng heroes and saviors. hindi ko naman talaga kelangan ng matatakbuhan.

for the record, i hate sports. i hate doing them, watching them. proud ako kay pacquiao like any other pinoy, pero wala talaga kong interes. panoorin syang makipagsuntukan. pero gets ko kung bakit gusto yon ng tatay ko. gets ko kung bakit mas pipiliin ng mga lalake si pacquiao kesa sa mga girlfriends nila. hindi na kasi mangyayari uli. ako man, mas pipiliin ko si wong kar wai in a once-in-a-lifetime meet-and-greet kesa sa boyfriend ko.

ha! so there.

okay. late na ko.

3 comments:

Anonymous said...

yammy, wala lang.
virtual hugs. :)

waterfowl

Anonymous said...

Work is the lover of life. I'm glad you're not single.

Anonymous said...

waterfowl, virtual-hug you too!
monj, salamat sa quotable quote...haha...actually di ko maintindihan yung quote mo :-) pero happy din ako na hindi ako single, at di ko pagpapalit ang pagiging "taken" for anything else. not even work :-)~ carla gay