1. the shoot was packed up today--more time for rest for me, and more time to do the assignment as well.
2. downpayment and 1st weekly from the new project. yey!
3. got time for the dvds at home, waiting to be watched!
4. school day tomorrow! henry's birthday bash!
5. a concept to work on that i'm somekinda excited about. hay, sana mag-work.
6. the blue cellphone cloth-casing that bbbb gave me (kahit handmedown!)
7. a possibility na walang work sa wednesday (bulakbol talaga ko)
8. san mig coffee (sugarfree!)
9. thursday (sana!)
10. my basically happy family
11. my basically wonderful parents
over breakfast, may sinabi ang nanay ko. relationship advice ang drama. wag daw akong mag-bike, kahit meron kaming bike, kasi nakaka-devirginize daw yon. pero dapat daw matutunan ko ang tamang paraan ng pag-kiss, kasi importante din daw yon sa isang relationship.
huwat!
shocked ako sa sinabi nyang huli. tumbling kung tumbling! ang weirdo talaga ng mga nanay!
* * *
naalala ko yung isang linyang nasulat ko sa blog ko months ago.
kung anong hindi kaya ng tao, siguradong kaya ng diyos.
totoo yon. hanggang ngayon struck pa rin ako. kaya lahat ng hindi ko kaya, lahat ng wala sa kamay ko, ipinapasa-diyos ko na lang.
nagi-guilty ako minsan. kasi tuwing sundays, kung hindi ako nagtatrabaho, nanonood ako ng sine, o nagpapahinga sa bahay. isang oras lang namang sakripisyo ang misa. isa, o dalawa, if you count in yung time na magbibihis at magta-travel ka. pero sa ibang bagay ko pa nilalaan.
time. ang hirap magkaroon ng time para sa ibang aspeto ng buhay ko.
sa pamilya. sa love life. sa mga personal projects. lagi na lang kulang sa time.
pero lahat naman ng importante sa buhay ko ngayon, si papa god ang nagbigay. kaya nakaka-guilty. kasi parang wala akong time para sa kanya.
next time, next sunday, na wala kong trabaho, ita-try kong magsimba. sobrang mortal sinner na siguro ako. multiple violations on commandment #8 (#8 nga ba yon?): remember to keep holy the sabbath day.
arghhh! buti na lang ambait ni lord! kahit pasaway ako, he still gives me reasons to be happy about. time to thank him for everything one of these days. kahit sa isang oras na misa lang.
* * *
hindi ko nagustuhan yung "stardust". kasi siguro nage-expect ako na matangay ako ng pelikula tulad ng pagkatangay ko sa "neverending story" at "legend" nung una ko silang napanood. andami kasing subplots na sinusundan, nagiging spaghetti tuloy. at may feeling ng pagkacontrived yung premise na tatlong forces-to-reckon-with ang naghahabol sa isang fallen star.
ewan. pero panalo yung eksena ni claire danes confessing her love in front of a rat. ang cute. siguro kinilig pa ko kung hindi lang si claire danes yung babae. kasi after all these years, fresh pa rin sa memory ko yung sinabi nya about the philippines being "full of rats". kaya strange kind of onscreen karma ang nanyari sa kanya sa "stardust", na-in love sya sa isang rat. ha!ha!
pero wait, scene stealer nga pala si robert de niro as the klosetang flamboyant gay pirate. hahaha panalo yon! for that alone, worth it ang price ng isang movie ticket.
5 comments:
monj, nagbabalak pa lang ako...pero tama ka! amen, amen!
henry king, walanuman! good luck sa yong bagong endeavor! let the loving begin!
hoy! i loved stardust! maybe because i read the novel kaya sakay ako sa multiple-plotting. and the movie was an improved version of the book!
at gwapo ni tristan.
at mas gusto ko siya sa Legend 'no!
nang-away?! hehe.
nakaka-miss ang angst sessions natin. pero you know what, nagsa-Sunday service na rin ako!
ano ba?! parallel pa rin. except for the lovelife angle. but i feel blessed din generally.
i'm thinking of having a really short haircut. watchathink?! kebs kung magmukhang ensaymada!
rose,
hoy! baket ba? excited pa naman ako non sa stardust noh...tapos naloka lang ako sa glow-in-the-dark hair ni claire danes!
speaking of buhok, honestly mas gusto kitang makitang long hair... mas babae kasi, at mas madaling i-market (haha). pero kung sa shorter hair ka masaya, ensaymada man ang tema, by all means! go! wag lang masyadong maigsi!
try ko talagang magsimba this sunday! :-)
Post a Comment