Tuesday, January 22, 2008

placid times

a first, in quite a while.
kagabi, on the way home. i sat there content. almost happy. about life.
tapos, natakot na naman ako.
bakit ganito ang pakiramdam ko. baka hindi dapat. baka mamaya maling makaramdam ng overall feeling of well-being.

hindi dahil feeling ko na i still deserve to feel bad, dahil sa mga nangyari.
partly. pero largely dahil na-overwhelm ako sa placidness na nararamdaman ko. hindi ako makapaniwala na i was actually feeling okay.
kasi, hindi pa tapos ang lahat. in limbo pa ako.
at kahit magkaroon na ng desisyon, alam kong hindi pa rin yun matatapos dun. kaya wala pa kong karapatang maging tuluyang masaya.

kaya kagabi, naisip ko, baka nililinlang na naman ako ng demonyo. dahil kadalasan, kung kelan ka kuntento at masaya, dun mo nakakalimutan ang diyos. tapos, pag nagkaproblema, dun mo naman sya biglang maalala. i've been guilty of that. ayoko nang maulit yon. kaya dinaan ko na lang sa dasal. para lumayo ang demonyo. and to keep myself grounded na rin.

at para magpasalamat na rin. for placid times like these. parang grace. hindi ka deserving, pero binibigay sa yo.

hindi pa sya tapos, pero whatever the decision is, i trust na makakaya kong tanggapin, with god's help. life will go on, whatever happens.

and whatever happens, i will take it as god's will na rin. kung ano talaga ang balak nya para sa kin.

* * *

kahapon, kokey day.
kasama si kokey sa shoot namin. suggestion ko yun. hehe.
nagpa-picture ako sa kanya. naalala ko tuloy yung sinabi ng isa naming classmate tungkol kay kokey. at yung expression ni beatlebum na "okey kokey!". haha.

i miss them all. sobra.

* * *

the other night, something "surreal" happened.
wish came true.
not one, but two.

na-meet ko na ang nyowa ni fg. the dude seems ok. nag-dinner kaming lima with BBB and beatlebum. nag-videoke pa.

three years ago i never would've imagined. meeting his flame and being completely ok with it, feeling completely ok. siguro, kung nangyari to noon, baka naglasing na naman ako at nagngangawa buong magdamag.

but the other night it was nothing. i was happy for him. bilang kaibigan at dating katrabaho. knowing that, just like the rest of us, he also deserves to be happy. and he looks happy.

sabi ko nun sa mga katrabao ko sa kewpids, uy minsan double/triple date tayo. yun ang wish#1 ko na natupad the other night.

ang wish#2, na binlog ko pa dito noon nung 2006, natupad two years later.
sana maka-duet ko sya, singing "c-kat ang p1noy". he'll be sam, i'll be toni. or pwede ring i'll be sam, he'll be toni. haha.

natupad naman. pero hindi na kilig, unlike nung nag-duet kami ng "3specially 4 u" sa IO three years ago. haha.

hindi lang pala dalawang wishes ang natupad. tatlo! dahil wish ko din noon na sana, maging true-blue friends kami. and that night probably sealed that. na-test ko ang sarili ko. magiging true blue friend ka lang ng isang former crush mo pag happy kang kasama sya nang walang kulay o malisya, pag happy ka na happy sya with a newfound love.

haha. who would've thought. hindi talaga nagtatapos ang lahat sa isang kabanata ng buhay mo. relationships and people evolve. thank god for that :-)

4 comments:

Anonymous said...

miss kita saffron. happy to hear na okay ka. kahit di pa tapos yung ordeal. i'm just glad to know that you're dealing with it gracefully. :)

hugs,
wtrfwl

Anonymous said...

hug you back wtrfwl! thanks. yung kape natin ha :-)

Anonymous said...

i really dunno what to say, pero pag binabasa ko ang blog mo nagiging masaya na rin ako para sa 'yo. malalampasan mo rin lahat gurl, alam ko, kasi 'yung goodness mo sa loob hindi naman mawawala 'yun. take care always. --hen

Anonymous said...

salamat hen :-)