ang hirap maging positive sa kondisyon ng life ngayon.
alam ko hindi pa todo 'to, we're bound for more toxic days ahead. sa ngayon may mga bonus pang paisa-isang araw na walang shoot, pero pasasaan pa't magkukumahog din kaming lahat, darating at darating ang mga araw na walang uwian, packup to pullout, walang oras para sa liguan, langu-lango ang utak, iinit ang ulo ng direktor sa puyat pagod at pressure, iigsi ang pasensya ng lahat ng tao.
ang hirap maging positive, when now is the best time para mag-ipon ng positivity, habang hindi pa dumarating ang tidal wave. at lahat ng mga gugustuhin mong gawin na hindi mo na magagawa when the days finally come ay dapat gawin na ngayon, habang may oras pa.
ang hirap, dahil bagong grupo na naman, parang ang tagal kong nawala sa mother studio (taon ang binilang, bumalik lang ata ako nung ginawa namin yung Comedian - Child Star movie early this year), at may kanya-kanyang tribu na, at technically ako ay Bagong Salta, at kelangan pang i-earn ang tiwala ng mga katrabaho pagdating sa area ng trabaho ko. eh tatlong taon na yata akong naburo sa trabahong to. mukha kasi daw akong fresh graduate (walang kokontra, hehe) kaya preprod meeting pa lang natanong na ko ng direktor kung first movie ko daw ba ang project na to. haha. sa totoo lang ayoko na nga sa trabahong to. and in my worst moments, parang ayoko na rin sa field na to.
ang hirap maging positive. lalo na pag kahit sa panaginip ko nagtatrabaho pa din ako, parang kung pwede lang na pag-uwi mo after packup may automatic shut-off system that would make you forget work as soon as you get off the shooting set. kaso araw-araw ka ding nasa shooting set, kaya ang hirap. parang most of your waking hours nagtatrabaho ka, kaya nadadala mo pati sa pagtulog mo.
actually, hindi pa nga toxic ngayon. pero ganon na ang nararamdaman ko. kaya minsan ayoko na sa trabahong to. minsan iniisip ko sana tinuloy ko na lang ang advertising career nung 2002, bago ako nag-apply sa mother studio. e di sana mayaman na ko ngayon. at least, yun ang sabi sa kin ng tiyuhin ko nung isang gabi. something i'm getting more and more inclined to believe.
gusto kong magsulat. ewan ko. hindi ko alam kung anong gusto ko.
tinext ako ng isa sa mga kakilala kong producer/writer nung isang araw, may writing project. i doubt kung malaki ang kita dun pero at least fresh challenge uli, after a long time. hindi lang talaga kaya ng schedule.gusto ko pa ring magsulat for tv. gusto ko ng maraming pera. gusto kong magtrabaho sa bahay. gusto ko lagi akong fresh at mabango. gusto ko mas may time ako para sa jowa. gusto ko ng kotse, ng limpak limpak na pera, ng creative na trabaho, ng perks sa trabaho, ng benefits, ng bagong challenge.
hay.
nung first week na nagsabay maggrind ang dalawang pelikulang nilalagare ko ngayon, nagkasakit ako nang bonggang-bongga. flu to the umpth power with matching coughs colds and chills, pero kelangan pa ring pumasok. sumesegue ako sa dalawang movie sets na kadalasan eh parang bangkay na ang itsura (ika nga ng isa kong katrabaho, kulang na lang ihimlay na nila ko).
isang umaga ng alas-6 umuwi ako galing sa shoot, sabi ng nanay ko, hindi ka papasok ngayon. sabi ko, 7:30 on the set kami sa kabila. sabi nya, "putcha, gusto mong mamatay agad? pera lang yan!" in a teary-eyed voice na nakakakurot ng pusong pakinggan. kaya hayun nakinig na lang ako sa kanya at humimlay buong maghapon ng araw na yon (buti may reliever ako kahit papano sa trabaho). na nakatulong naman, kasi gumaling ako.
everytime tumo-toxic ang buhay naaalala ko si manong. bright shining example sya ng di dapat gawin para lang sa pera. health is wealth, kaya ngayon habang maluwag pa ang schedule (relatively), magbabangko na ko ng pahinga.
bukas may shoot na naman. sana hindi pa this week magsimula ang kangaragan. gusto ko lang ng ganito. pero ayoko ng napapanaginipan ko ang trabaho. ampangit!
kagabi on my way home naalala ko yung mga short film concepts na itinago ko na sa baul in favor of life's other concerns. mga hilaw pa sila, hindi pa good enough for shooting, but i believed in their promise, once upon a time. ewan ko kung bakit bigla kong naalala kagabi. gusto ko silang balikan someday, kung by that time eh hindi pa sila passe.
hay. miss ko nang maghang out with friends. miss ko nang lumakbay sa bagong lugar.
naalala ko nung Baguio Bold Movie days namin. na-enjoy ko talaga yon. gusto ko ang ginagawa ko. nage-AD ako kahit continuity ako. ang sipag ko non! ang ganda kasi ng lugar. ngayon parang ang tamad tamad ko na. stick to continuity na lang ako, di na ko nage-effort tumulong sa AD floor work kung hindi ako ang AD sa set (sabagay, dala-dalawa na silang AD ngayon sa set). feeling ko kaya ako ganito ngayon dahil nirereserba ko ang energy ko. recent lang kasi yung nakaranas akong ma-deadbatt halos. hindi masayang experience. nega to the umpth power.
hay. sana humaba pa nang humaba ang mga days off na ganito. ganito na lang ang buhay. mundane, inane, insane. pero at least, may kasiyahan pa din. basta't minamahal ka, at may pamilya ka, at may mga kaibigan ka, at maginhawa at malusog naman ang buhay.
ang ganda ng pusa ko. pag nasa trabaho ko tinitingnan ko lang picture nya sa cellphone ko, napapangiti ako. 7 months old na sya ngayon.
No comments:
Post a Comment