and i'm on Day 2 today.
spent Day 1 sleeping, eating, and watching Adam Sandler on cable.
will be spending Day 2 at the Cuneta Astrodome, cheering on pee-dee-ay scholars onstage.
and tomorrow...who knows.
i'm just glad for these three days. even if i know i'll be paying for the bonus later. little sleep, extra stress. strictly speaking, the film has one more month to go before expected packup.
lord. i hope it doesn't stretch beyond that. i just want this to be over.
* * *
crush ko na si Adam Sandler. salamat sa "click". actually, nagustuhan ko din yung pelikula. ang layo nya sa typical Adam Sandler screwball movie, pero that's not really the reason why i liked it. relevant lang kasi siguro sa present life ko ngayon yung sinasabi ng pelikula.
at saka na-realize ko din na may inherent charm talaga si Sandler na lalong na-enhance pag hindi sya nagpapatawa. ever since wedding singer pa lang, kung magre-rewind ako. unassuming, unthreatening, regular-guy-next-door kind of charm. mai-google nga kung may nyowa na sya. haha, as if naman it would make a difference kung meron.
may isa pa kong celebrity crush, si john lloyd cruz. nabuhay uli ang crush ko sa kanya nung mapanood ko yung avsl. first movie ko sa production si john lloyd ang bida, at kahit noon pa hindi ko sya matingnan nang diretso sa mata. haha.
tapos one time sa elevator nakasabay ko yung ka-loveteam nya sa b3tty l@ fe@, si bea alonzo. in costume. yun pala may taping ang b2tty somewhere within the building. pagdating ko ng office ni osobear, sinabi ko sa lahat na nakasabay ko si b3tty. sabi nung isang bading dun, "ah kaya pala nakasabay ko si lloydie kanina sa elevator."
sabi ko, "putah ka! sana nagpalit na lang tayo!" dahil matagal-tagal ko na ding hindi nakikita si lloydie. haha. inggit talaga ko sa bading na yun...not knowing na magkakaroon din ako ng lloydie elevator experience, much sooner than expected. haha.
it was 3 am. galing akong shoot, at makikitulog sa "condo" on 15th floor (actually, office sya, pero sa dami ng mga taong natutulog dun every night parang nagiging condo na rin). on "taong taga-production" mode, and how--physically, i was at my worst, but i figured, sino ba naman ang makakakita pa sa kin at this time of the night. kahit nga siguro si osobear (na syang sasadyain ko sa 15th floor), tulog na din by then.
laking gulat ko nang bumukas ang elevator and there's lloydie. parang panaginip. llyodie, in plain sight, sa elevator. pumasok ako ng elevator without thinking, and my first instinct was to say hi. na ibinalik naman. i was stunned. parang wish na nagkatotoo, being alone with lloydie in the elevator, at 3 am.
"san ka na ngayon?" he asked. i doubt if he still remembers my name.
i told him, dun pa rin. na actually, galing akong shoot.
"talaga? yung ___?" aba, nahulaan nya. friend kasi sya nung direktor at male star ng project namin.
"oo." then just at a point when i felt na magkakaroon na ng dead air at wala nang mapapag-usapan, i turned to look at the elevator buttons above us. "ay, pababa pala ang elevator na to?"
lloydie laughed. tumigil ang elevator, and as he was about to step out, sabi nya, "bye..."
potah! nakakahiya. sa sobrang windang ko na nakita si lloydie sa loob ng elevator, ni hindi ko na napansin kung pa-up ba sya o pa-down, basta pumasok na lang ako. haha! betty, ikaw ba yan?!
pagdating ko ng 15th floor, fullhouse ang "condo" as usual with snoring bodies all over the floor. pero i couldn't contain my excitement. i had to wake up osobear and tell him, "guess what? nakasabay ko si lloydie sa elevator kanina!" and all he could say was a sleepy, "talaga" and then he went back to sleep. hahaha.
hay. magkakaroon daw ng avsl part 2. at same direk pa rin. di ko alam kung sasama ako dun (if ever na ayain ako). pero si lloydie ang magiging bida. ayoko nun. hindi ko na kasi nagiging crush ang isang artista once na nakatrabaho ko na sila (or in lloydie's case, nakatrabaho ulit). dati crush ko si 3cho, until we did the baguio movie. pati din si vh0ng, until we did the comedian-child star movie.
eh kung si adam sandler kaya. ok lang na mawala ang crush ko sa kanya, kung ang kapalit nun eh makakatrabaho ko sya. cause if that happens, that must mean nakarating na ko sa hollywood, o hollywood ang dumating dito sa pinas. either way, that would be something of a dream come true for me.
No comments:
Post a Comment