..o baka false alarm lang. baka heat wave lang, at lilipas din.
even the rain feels like summer rain.
and the ripe mangoes are starting to appear. summer smells like ripe mangoes, sweet and sticky. yea, sticky is a smell to me, sometimes.
dati lagi kong sinasabi na summer ang favorite time of the year ko. noon kasi, on top of everything else, bakasyon sya from school. pero ngayon pantay-pantay na ang lahat ng seasons in my book. vacation or not, hindi ko talaga sila maiko-compare, kasi every season has its beauty, sa totoo lang.
gusto ko pag tag-ulan, because i love the smell of the wet earth. pagkatapos ng ulan, yung alimuom, nakakaadik amuyin. feeling ko the earth is reborn everytime it rains. i love the downcast skies, the cold wind, the sound of rain. naaalala ko nung 14 ako, it was a rainy windy afternoon, may bagyo at ang sarap sarap ng hangin. napasulat ako ng tula nung mga sandaling yon (oo dumaan ako sa pagpapaka-poet), dahil sobrang overwhelmed ako sa ganda ng panahon. enhanced lahat ng senses ko. kadalasan din noon, pag umuulan, napapaisip ako about love. hehe.
gusto ko pag around october to november, because of its sunny breezy mornings. naaalala ko nung 21 ako, when i would sit in the lanai of our house, with coffee and the morning paper. nakangiti ang araw pero presko ang panahon, tas sinasabayan pa ang hangin ng indayog ng mga puno, leaves making those rustling sounds against each other as they sway along with the breeze. nakaka-pacify.
which reminds me of (again, i'm such a senti) my one afternoon alone sa UP Lagoon. wish ko lang noon na sana may katagpo ako doon (notorious kasi ang Lagoon bilang tagpuan at lampungan--haha, 80s!-- spot ng mga estudyante sa UP), pero nandon ako para mag-shoot ng mga tree canopies for an experimental class project. ganung-ganon ang panahon, it was february but it felt like october. that was a perfect day, weather-wise.
gusto ko din pag disyembre, because i love it when it's cold. lalo na sa gabi, and everywhere you go puro sparkling happy christmas lights ang makikita mo, and on vacation/celebratory mode ang karamihan sa mga tao. (although mas gusto ko ang pasko pag marami akong moolah, yun na ang perfect christmas para sa kin. hehe)
ngayon, pagkatapos ng maraming gabi na balot ako ng kumot pagtulog at walang electric fan all night, lumalagkit ang pakiramdam ng air. yuyu-humid. gusto ko ang summer because it conjures images of the sea, the beach, fun fun outings. yun ang ideal summer, by the beach, pero kahit hindi, maaalala ko pa rin ang summer for the smell of mangoes. for my memories of countless summer vacations spent at home. yung init at alinsangan, yung malamig na coke, kaing-kaing ng mangga na binili minsan ng nanay ko one summer in '91. sarap.
pero syempre, trademark na ng summer ang beach. favorite memory ko noon nung 1998, sa batangas yata yon. nagfo-floating ako sa dagat, nakatingin lang sa mga ulap. para lang akong nakahiga sa kama (ay hinde, it was way better than that), at nakatitig sa kisame ng kwarto ko. the sky was my endless ceiling, and it was strangely comforting, and i felt like i was being lulled to sleep by the sea. i felt so small. everytime confronted ako with the beauty and power of nature, naaalala ko si god.
at ang scoring ng memorable moment na yon sa utak ko ay "With or Without You" ng U2. hindi ko alam kung bakit, basta pag pinapatugtog yung kantang yon, sumusulpot ang memory kong yon ng dagat.
* * *
gusto kong magturo. kaso hindi ako confident mag-apply. natatakot akong ma-reject ng mga stalwarts sa film school. hehe.
No comments:
Post a Comment