ngayon ko lang na-realize, after a while, kung gaano kalungkot ang magising ng ala-1 ng hapon. na-miss mo ang kalahati ng isang araw. alas-2 na, mukha ka pa ring bagong gising.
lalo na pag walang trabaho sa araw na to. feeling mo sinasayang mo lang ang oras mo sa kaka-facebook, kaka-farmtown, kaka-etcetera. ang labo ko, kasi pag may trabaho, gusto ko naman ng pahinga. ang sarap kong batukan dahil napaka-tipikal kong tao. hindi malaman kung ano'ng gusto.
today, i'm officially debt-free. :-)
masaya ko. para bang ngayon mas magaan na kong makakatulog sa gabi. sana naman mas maaga-aga ang magiging bedtime ko from tonight onwards.
as the days trickle by, lalo akong nape-pressure. na gumawa ng desisyon. matutuloy ang foreign film, sa june 21 na ang simula nya, at kinukuha akong scriptcon. the same old problem since then. may full-time job na ako. kaso sayang kung palalagpasin ko ang opportunity na to. dahil foreign film sya, malaki-laki ang magiging sweldo. six days lang naman. sigurado, makakabili ako ng bagong laptop.
ang problema, hindi ko sigurado ang magiging schedule sa trabaho next week. kung magpaalam naman ako sa boss ko, isa lang ang sasabihin nya. so long as hindi sagabal sa trabaho mo ang raket na yan, go lang. pwede naman nya ko siguro pahintulutan na mag-leave kahit isang linggo lang, pero parang malabo yon. pero susubukan ko pa ring tanungin. bukas.
ang hirap mag-decide. kasi ayokong i-jeopardize ang trabaho para lang dito. ayoko din naman siyang pakawalan. lord, sana naman walang masasagasaan next week. kaso dalawang shows ang tinatrabaho namin ngayon. yung isa, ipa-pa-approve pa lang bukas. pag na-approve na yon (knock on wood, sana), magti-treatment na kami. lock-in yun. after june 21. final draft of script is due june 29. yung week ng june 23-29 ang work week. hay.
yung isang show naman, bukas din ang feedback. june 19 matatapos ang final draft. pagdating ng june 21, dapat inaayos na rin ang latag for the next week. halos magsasabay sya with the other show e. pero dahil same team, segue-segue na lang kami. ganun din. june 23-29 din. unless na tumigil muna sila dahil okay na sa kanila ang apat na linggong bangko ng scripts, bago mag-pilot ang show.
waaah. parang malabo. sabi ng tatay ko wag daw akong gahaman. i-prioritize ko daw ang bread-and-butter ko. may point naman siya. pero naiisip ko pa lang ang pakakawalan ko, nanghihinayang pa rin ako. pero tama ang tatay ko, di ba. we really have to choose.
wala rin kasi silang ibang makukuhang scriptcon besides me. yung may alam nung style na gusto nila. pwede akong magturo sa isa kong kakilalang scriptcon. pero sayang talaga. hindi pa ko makakakuha ng ganoong klaseng kita sa loob lang ng anim na araw. parang easy money sya.
oo na, mukha akong pera. mali, mali. pero confused lang talaga ako ngayon. kaya humihingi ako ng sign kay god. sana siya na lang ang magdesisyon. humingi ako sa prod manager nung foreign film ng palugit, hanggang tomorrow. tomorrow i will talk to my boss. hihingin ko ang advice nya. same na naman ang sasabihin nya, alam ko. pero susubukan ko pa rin. malay ko, baka pumayag siya na mag-leave ako ng isang linggo. although nakakalungkot din na magpapilot scripting ang isang show nang hindi ako nakapag-participate.
ano kaya...ano kaya...?
bukas, malalaman ko. sana, lord. sana bigyan nyo ko ng sign.
No comments:
Post a Comment