kailangan ko nang bumili ng bagong laptop.
ayaw nang gumana ng ilang keys sa keyboard ko. tstsk. pwede pa rin naman akong bumili ng portable keypad, pero matagal ko nang pinagnanasaan ang bagong laptop. pero ayoko na munang gumastos ng malaki sa kahit ano hangga't hindi pa ko nakaka-quota. haha.
first up, i have to be debt-free. isang tao na lang, and i'm free. kaso hinihintay ko pa rin ang 10th of june. para makasigurado na okay na okay na ko kahit bayaran ko siya in full.
kaya laptop, you will have to wait for now. maybe july. hopefully. yun na lang ang target ko. i'll buy a laptop in july.
i hate those expensive cab trips. yun lang naman ang luho ko sa buhay. bilang maraming sakay pa papuntang workbase kung magko-commute ako. tinatamad ako minsan. minsan naman, sobrang late ako. minsan naman, may dala akong laptop at sobrang gabi na kaya mas safe na option ang mag-taxi. pero siguro malaki ang mase-save ko kung hindi ako nagtataxi. baka yun pa lang, makakaipon nako ng enough to buy a laptop in a jiffy.
the past beckons. how strange.
hindi naman strange, per se. kaso pag sunod-sunod ang pagtawag sa yo ng iyong recent past, yun ang strange. november 2008 nang nag-decide akong talikuran ang career ko sa production. kahit wala akong pera, hindi ko talaga tinatanggap ang mga offers na long-term commitment ang required of me. gusto ko na talagang magshift sa pagsusulat. and then god listened to my prayers. ngayon, i'm where i want to be. i'm doing what i believe i'd want to do for the rest of my happy life.
but these past two weeks, the past keeps beckoning to me. lagi akong tumatanggi kasi nagkakataong sumasabit sa schedule. pero naisip ko, kung hindi ba sasabit sa schedule, gugustuhin ko pa rin ba? one year ago i would've welcomed all this. one year ago ang career goal ko was to become an AD for mainstream tv and film. dahil sawa na kong magscriptcon. dahil feeling ko, cul de sac na sya. ngayong iba na ang pangarap ko, dumadagsa naman ang sunod-sunod na offers. there's a small part of me that's lamenting "sayang". pero ganun talaga. kailangang pumili kung ano ang priority. you can't serve two masters and keep both of them happy at the same time, lalo na kung demanding sila pareho.
kung hindi sasabit sa schedule, gugustuhin ko pa ba? minsan natatakot akong sumabak sa mga bagay na bago. tulad ng pagse-second AD for TV. makailang beses na rin akong nag-2nd AD for TV pero feeling ko marami pa kong kakaining bigas where crowd blocking for two-cam setup is concerned. at feeling ko marami pa kong dapat makilalang tao sa production, dahil konti lang talaga ang mga kakilala don, so intimidating ang isang set na wala akong kakilala, para sa kin. isa yun sa mga rason kung bakit parang natatakot akong sumabak sa mga tapings na wala akong kakilala at hindi ko alam kung gaano kadugo ang scope ng work. ayokong sumabit at ayokong manimbang.
thank god hindi ko na yun kailangang problemahin, dahil hindi na naman ako taga-production. pero kung sakaling wala namang conflict sa schedule, siguro mabuti na yung tumanggap kahit nakaka-intimidate. paano ka nga ba matututo kung hindi mo hahayaan ang sarili mong humarap sa isang bagay na magtsa-challenge sa yo. and all friends and co-workers start out as strangers to ano another. so anong dapat ikatakot.
sayang din ang opportunities for extra moolah, lalo na't gusto kong makabili ng laptop. ngayon may nag-aalok ng raket sa tuesday. supposedly sa monday may meeting kami. hindi ko alam kung yung meeting ay magse-stretch on til tuesday or wednesday. hindi ko pa rin malalaman until tanungin ko ang headwriter ko, maybe tomorrow or on sunday. hay. sayang naman ang moolah. pera na, tinatanggihan ko pa.
hahay. mukha akong pera. then again, aren't we all, at least at some point?
* * *
gusto ko ng fairy tale. siguro ganon lang talaga akong klaseng tao. a sucker for take-my-breath-away romance. love ko ang osobear, pero hindi sya yung tipong sasawsaw sa mga trip kong ka-cheesyhan. para siyang tatay ko, sobrang praktikal, sobrang realistic.
mabuti na lang writer ako. pwede kong isabuhay ang mga fairy tales na gusto kong mangyari sa kin, somehow, through writing. parang noong unang panahon. nung tig-kalahating script kami ng co-writer ko for the kiligshow. feeling ko, dun ko na lang nasasabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin sa kanya sa totoong buhay. aww.
* * *
eh kumusta naman yung nagba-blog nang may homework na hindi pa nasisimulan. bukas na ang deadline. taena. napaka-bulakbol ko talaga. adik ako sa farmtown. adik ako sa mafiawars. adik ako sa procrastination. hoy! umayos ka!
No comments:
Post a Comment