mixed emotions from the past week.
andaming iniisip, andaming nangyayari at mangyayari pa.
siguro kasi matagal-tagal na rin akong hindi nagmu-multiple mind-tasking kaya windang ako.
pero ngayon ide-dedicate ko ang entry na to, hindi sa mga bagay na iniisip kundi sa mga nararamdaman. parang acting exercise. feelings are the essence, not the thoughts.
kagabi, sa trabaho. first time ko uling mag-shoot on a professional set after about three weeks of focusing on school. ibang klase ang pagod na mararamdaman mo para sa isang bagay na mahal mo kumpara sa isang bagay na ginagawa mo dahil sa pera. alas dos pa lang ng umaga, lowbatt ka na. pagod ka na. scriptcon instincts. hindi yon kakabit ng pagkatao mo, pero dun ka binabayaran. at for the first time naamin mo sa sarili mo na mas importante nga pala sa yo--sa ngayon--ang pera. kahit labag sa loob mo, materyoso ka pa rin pala talaga.
ironically, wala kang drive para mag-effort at maghanap ng opportunities kung saan makakahakot ka ng sandamukal na pera. kung mage-effort ka man, halfhearted ka. siguro dahil alam mong nakatali ka pa rin, at hindi pwedeng mag-commit sa isang jealous and demanding mistress of a job. kaya gusto mo na lang ipasa-Diyos lahat. gusto mo na lang mag-rely sa luck at sa divine will. for what reason, hindi mo alam. at wala ka na ring lakas na i-analyze ang sarili mo para malaman.
at 3 am, mari-realize mo na wala na ang puso mo sa trabahong nakatulong na bumuhay sa yo for the past few years. you're where you want to be, but not doing what you really want to do. na ok lang naman for a while, pero nakarating ka sa puntong hindi ka na excited. hindi mo na maramdaman ang sense of adventure, yung sense of exploring something new. at pera na lang talaga ang nagiging be all end all ng lahat. ironically, hindi naman kalakihan ang binabayad nila sa yo. at gustuhin mo mang mag-explore ng ibang opportunities, hindi ito ang tamang panahon. nakatali ka sa isang bagay na magiging pag-asa mo. para matupad ang mga pangarap, hindi rin. you carry no illusions about what you're about to get into, from the moment that you signed on that contract. at mari-realize mo na siguro, gusto mo lang talagang yumaman. gusto mong magka-CRV. gusto mong mabili ang lahat ng gusto mo. gusto mong mag-provide para sa pamilya mo. gusto mong mag-enjoy sa trabaho mo kahit papano and at the same time kumita ng malaki.
middle ground. compromise. everything in life is a compromise. may mga bagay sa buhay na hindi makukuha sa passions alone. o sa pagiging "extremist" for the sake of passion.
at 4 am, pagod ka na. wala ka nang kilala, wala ka nang kinakausap, hindi ka na makangiti. biglang papasok sa isip mo ang mga bagay na dapat gawin for skwela. mga bagay na gagawin mo for passion's sake. ang saya nga naman talaga, going to school and doing the things you're tasked to do, not thinking about what you're going to get in return. not thinking about grades, or feedback. not thinking of reactionary results. and to think na someone once said na napaka-"I Have to Win" ng personality ko. being in school again somehow changed all that.
at 6 am, packup na kayo. umuwi ka ng mabigat ang pakiramdam, at hindi mo alam kung bakit. ayaw mong isipin ang susunod na shooting schedule nyo, dahil you're not looking forward to it. pero gusto mong makapag-shoot na uli kayo, kasi kelangan. kelangan mo. for money's sake.
hindi na katulad ng dati ang buhay mo dahil sa skwela, pero naging simbolo na sya ng napakaraming bagay sa yo. para syang isang taong nagbawal ng maraming bagay sa buhay mo, nag-impose ng maraming rules, naging rason kung bakit kelangan mong mag-cut off ng ties from many people you've known in your recent life, pero mahal mo sya. dahil andami mong giniveup para sa kanya, dahil andami mo nang sinakripisyong opportunities, dahil somehow minulat ka nya sa katotohanan na niloloko mo lang ang sarili mo, na being where you want to be won't bring the same kind of happiness as doing what you really want to do.
short term happiness in favor of the long term one. isn't that what school is about.
hindi ko rin naiwasan. nagfocus pa rin ako sa thoughts. ano nga bang nararamdaman ko? ganun pa rin. pinapasa-diyos ko na rin lang lahat. dahil feeling ko, most of the happy things that have happened in my life weren't really my own doing. luck, and god, had a lot to do with it.
and that's what i'm feeling right now.
No comments:
Post a Comment