7 hours before christmas.
unsurprisingly, hindi ko maramdaman. last year, for emotional reasons. this year, for practical reasons naman.
ang nararamdaman ko, yung gastos. yung limited funds for such a traditionally grandiose season. kaya ang pasko ko this year, simple. hindi galante. next year na lang ako babawi. harinawa, next year, babawi ang tadhana sa akin. at ibabalik ko sa kapwa ko ang lahat ng mga mabubuti at masasayang bagay na ibibigay ng diyos.
nararamdaman ko din yung pagkaaligaga. dahil hindi bakasyon ang holidays this year. maraming gagawin, para sa skwela, at para na rin sa karaketang magiging pag-asa ng aming media noche. eto ang mga kaganapan sa mga susunod na araw:
dec 26.
kelangang malagyan na ng "check" ang lahat ng practical items sa checklist na gagawin ko for my december 27 shoot. kelangang balikan ko ang konsepto, balikan ang rason kung bakit sya ang pinili kong gawin, kung bakit ako naniniwala na dapat syang gawin at karapat-dapat namang mapanood onscreen. nalunod na kasi ako sa mga gawain at pangyayari ng past several weeks. i need to go back to organic mode.
on the other hand, kelangan ko ding maghanap ng extra funding para sa nakikinita kong gastusin sa december 27.
dec 27.
shoot ko. god-willing, with god's grace, matapos sya on time at makuha ko ang intention ko.
dec 28.
shoot for the comedian-child star movie. kelangan namin ang isang araw na to. kelangan ko din to. sana hindi kami umagahin. birthday pa naman ng direktor, sana magaan ang shoot.
dec 29.
supporting actress mode sa shoot ng isa kong kaklase. workshop for another classmate's film. pagkatapos ng lahat-lahat, lilipad ako papuntang boni for THE racket. magdamagan na ito. magdadala na ko ng damit at iba pang kailangan para sa...
dec 30.
lead actress mode sa shoot ng isa ko pang kaklase. malamang puyat-puyatan ako dito pero sige lang go. tutal burnout hooker naman ang role. haha. sana lang magawan ng milagro ni fashion artiste g@bb ang mga raccoon circles ko sa mata, kung sakali.
pagkatapos ng shoot#1, shoot#2 naman. supporting actress role din, dapat kikay. good luck. pagkatapos kong "ma-gangbang", magpapa-cute naman ako ke m@rco @bay@. awww. crush ko yun dati.
at pagkatapos ng shoots lipad na ko papunta sa kung saan. star city ito? dolphin park? marikina riverbanks? (erm, sana wag naman). bahala na. basta ang role ko, leading lady sa tunay na buhay. haha.
dec 31.
sana naman masaya ako pagtungtong ng bagong taon. last year masaya ko. masayang takot sa pagiging masaya ko. this year, sana masaya ko dahil masaya ang buhay. hindi perpekto, pero masaya. sana natapos ko ang shoot ko nang happy ako sa kinalabasan. sana natapos ko on time ang racket nung dec 29 (at kaliwaan mode ang compensation). sana naging masaya ang december 30, kahit haggard ang schedule. sana masaya ang mga magulang ko sa magiging contribution ko sa media noche. sana maraming lusis at fountain at roman candle. basta sana masaya!
so goodluck sa remaining days of 2008. magiging haggard pero sana masaya, every single day, every step of the way. dahil malakas ang pananalig ko na magiging mas maganda pa ang 2008 para sa kin. at para sa pamilya ko. at para sa lahat ng mga kakilala kong nagsakripisyo at nagsugal ng panahon, pera, kakayahan, at emosyon sa ngalan ng pangarap. at pag-ibig. :-)
MERRY CHRISTMAS, WORLD! :-D
No comments:
Post a Comment