it's the 21st. we'll be done on the 25th, come hell or high water.
technically, 5 days pa. isang buong araw pa ang bubunuin para maging 4 days to go.
wala pang tulog. may pinagawa pang assignment sa kin. taena. this was a trying day. napikon talaga ko. nag-trillanes mode ako sa loob. napasabi ako ng ayoko na, aloud, sa harap ng isang katrabaho.
sabi nya, 5 days na lang!
actually, ako yung laging nagsasabi sa kanya nun. sya naman, __ days pa (with matching groan).
ayoko na nga e. pero tatapusin ko. titiisin ko. dahil 5 days na lang.
tinanong ng artista sa direk, ano po yung first job nyo sa showbiz?
ang sagot nya, scriptcon.
lalong gusto ko nang umayaw sa trabahong to. dahil feeling ko, hindi umaandar ang buhay ko.
at kung hindi din naman kikita ng malaki (or kikita at ALL, in this case), wala nang rason para mag-stay.
tapos, an SMS just this morning.
malaking temptation. actually, hindi ko matatanggihan.
kaso, yun pa rin. scriptcon. same old same old. pero ang kaibahan, kikita ako. ang kaibahan, hindi ako pagagawin ng potaenang floor PA work. hindi ako pagbebabysit sa mga artista.
continuity lang. no more, no less.
with that, masisikmura ko pa.
thank you lord. for blessings like this.
thank you lord. dahil 5 days na lang.
thank you lord sa lucky me supreme.
thank you lord sa magiging masayang breakfast with osobear.
thank you lord, dahil hindi nyo ko pinapabayaan, at kahit hindi ko nakukuha ang lahat ng gusto ko, may mga unexpected blessings naman na dumarating sa buhay every now and then. more often than not.
thank you lord. i love the life you gave me. :-)
five days na lang. :-)
No comments:
Post a Comment