an old college friend messaged me on facebook today.
tinatanong nya kung bakit daw ako kumekembot sa primary pic ko. haha. malungkot ako lately, pero natawa naman ako dun. narealize ko din kung gano ko na-miss ang college friend kong to. ang college friends ko, na iilan na lang ata ang in touch ako ngayon. ang college, na isang malaking kanlungan, kumpara sa totoong buhay ngayon.
until today, she has been out of touch. i didn't know why, and the praning in me started thinking that she didn't want to be friends with me anymore. kababawan mang maituturing pero sinisisi ko ang sarili dahil minsan sa isang honest heart-to-heart talk nasabihan ko sya na mag-undergo ng "makeover". feeling ko nasaktan ko sya. yung tipong sakit na kahit alam mong well-meaning ang nagsabi sa yo, magnu-nurture ka pa rin ng sama ng loob sa kanya.
ang babaw naman kung ganon, kung yun ang rason. naisip ko din na siguro dahil nag-iba na talaga ang career paths namin. nag-stay ako sa showbiz habang sya, nag-akademya. hindi nya pinursue ang pangarap na sabay naming hinabol-habol nung college. it happens. friends drift apart because of time and space. parang labers yan, di ba. wow labers. haha.
tapos, here she is. nagpaparamdam lang daw. perfect timing. namiss ko silang lahat. sa punto ng life na ito. sabi ko, may crisis ako. ayoko na sa showbiz. at sagot nya, relax ka lang, don't worry too much. andito lang kami for you.
i'm not worrying, girl.
well, it's not the dominant emotion.
i'm just looking to find my place elsewhere. but i'm clueless kung saan.
dati puno tayo ng dreams, siguro mas napaaga lang mamatay yung sa yo. pero next time magkita tayo the first thing i'll tell you is namatay na rin yung akin.
nung una iniyakan ko, pero ok na ko ngayon. tanggap ko na. pwede ko pang buhayin pero para saan pa. aakyat ka ng bundok pero may assurance ka ba na worth it ang makikita mo from the top?
from the looks of things, not it. not for a living. not in this lifetime.
i'd rather look for a living elsewhere.
baka nga smart ang move mo ang mag-akademya. dahil ang showbiz, nakakasarado ng utak. nakakapurol ng isip. nakakamatay ng maliit na tao sa loob mo.
bukod pa sa toxic sya sa kalusugan, nakakamatay.
* * *
thank you lord.
i will not tire of thanking you every day. i believe. i know. that you are always there, everyday.
by hook or by crook, october 17 will be my last day.
2 comments:
weird, girl. pero pareho tayo ng feeling. alam mo yung nasa level na ko na pinapangarap ko na ulit yung original dream ko nung bata pa ko.
ang maging housewife. bow.
lol.
nah, totoo.
weird,
sino pa ba?
akala ko tapos na ang quarter life crisis...
hay. siguro tapos na nga. kasi nung nasa QLC pa ko, lumalaban pa ko. at gusto ko pa ngang magsulat ng tungkol sa QLC. pero ngayon, wala na. wala na kong lakas. wala na kong laman. pagod na. said na. at parang paikot-ikot na lang. pero sige pa rin. tuloy pa rin.
at nagiging solace ko na lang ang mundo ng pantasya. magulo ang utak ko. pero masarap humimlay sa loob nito. kaya nawiwindang ako everytime may reality check (i.e. meetings and deadlines) yes at yun talaga nagde-define ng buhay na itech. hay.
pero tama ka, hindi lang din kasi siguro tayo misses sunshine eh. kasi baka di lang ako marunong mag-count ng blessings. para bang nag-move on ka from a lost love. and yet, nalungkot ka, kasi wala na yung love, kahit hindi naman sya masaya. ganun. ang labo na. ang hirap ng walang sariling blog. bina-blog-an ang comment section ng blog ng may blog! miss lang kita. osha. take care coz i care, kahit di halata. ;-)
gets ko yung moving on from a lost love. wala na yung love pero lungkot ka pa din. parang long-term relationship na nakasanayan na, at ang dami mo nang in-invest. tapos pag wala na, parang lost ka. wala kang direksyon. nagkaron ng black hole sa loob mo at unti-unti kang inuubos.
pero sa totoo lang, hangga't buhay ka, marami pang pwedeng magbago, pwede namang mabalik ang love na na-lost, pwede ding hindi, at makahanap ka ng ibang bagay na pagtutuunan mo ng love. temporary state lang ang atin. lots of things are temporary. either we get over it or get used to it.
temporary ang maraming bagay, pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga bagay na nagtatagal at nage-endure. and it's these things that matter to me the most, kaya panalo na din. masaya pa din ang buhay.
:-)
Post a Comment