may mga taong sadyang pinanganak na positibo ang tingin sa mundo at sa buhay. siguro, nung pinapanganak sila, kasabay sa pagsikat ng araw, kaya yung sunrays nag-seep in sa kaloob-looban ng pagkatao nila.
siguro pinanganak ako na palubog na ang araw. kaya kung may mga little miss (and mister) sunshine, ako si little miss sunset. nag-aagaw ang night and day, ang optimism at pessimism. pero malamang 5:59 pm na nung pinanganak ako dahil laging natatalo ng dilim ang liwanag.
tulad ngayon. naiinis ako dahil lagi na lang kaming last two weeks before packup. LAGI NA LANG. extend ng extend ang p***** project na to. kaya minsan ayoko nang magbilang. pero nagbibilang pa rin ako.
si little miss sunshine, iisipin siguro, LAST TWO WEEKS NA LANG!
ako, iniisip ngayon, LAST TWO WEEKS PA.
gusto ko nang magka-life.
nabubwisit din ako. dahil konti na nga lang ang free days ko, kailangan pa ding magtrabaho.
si little miss sunshine, will cheerfully carry on the job til completion. hindi sya magba-blog, dahil sayang ang oras.
ako, i grumble. i grow to hate my job even more than i already do. at magba-blog ako para maglabas ng sama ng loob.
kasi gusto ko ng ibang life. ng ibang job. ng ibang state of mind.
ang masaklap dun, 70% of the odds of me getting those three things will all have to depend on me. for now, i have no other choice but to hack my way through the last (POTAH, SANA LAST NA NGA) two freakin weeks.
1 comment:
potah! pinanganak ako 2:45am sa buwan pa ng pebrero. kaya kalaliman ng dilim! mwahahaha
miss u,
waterfowl na wala pa ring official blog sa moment na ito. :)
Post a Comment