Friday, May 22, 2009

at exactly 5 o' clock ey-em...

...i'm done with homework. yey!
second uli ako! haha.
ngayong ready nang matulog, hindi naman makatulog. pfft.

angels and demons, here i come!

* * *

syet. sana naman magustuhan nila.
kahit yung lahat ng scripts namin for this batch, in general.
sana rin, magustuhan ng headwriter ang script ko. waaah. ayan, nasabi ko na. napakawalan ko na ang wish out into the universe. no turning back. pag maraming narevise sa final draft, ibig sabihin, bigo ako. ng sariling expectations.

kasi, nagustuhan nya yung first script ko for k@torse. as in, parang pa-birthday gift ang mga comments sa kin. kaya na-tense naman ako bigla. parang kailangan dapat magustuhan nya itong susunod na script ko. parang sophomore syndrome. if the first one was considered good, the second one should be just as good, if not better.

hay. i hate sophomore syndrome. yun nga ba talaga ang tawag dun?
ang tagal kong na-stuck sa sophomore syndrome. hindi ko na sya nalagpasan.
i was up-and-coming, so many eons ago. up-and-coming, so they said. kaso naduwag akong i-fulfill kung anumang "promise" ang meron. naduwag o tinamad. maybe both.

kaya sa akin, ang term na "up-and-coming", walang bearing. siguro may promise ka, but you're only on the first rung of the ladder, really. the fact that you have promise has merited you a spot on the ladder, so be thankful. but that doesn't really mean anything in the grand scheme of things.

pag na-fulfill ang "promise" ng isang promising, yun ang bongga. pag nakalagpas ka sa first rung of the ladder, yun ang astig. lots of people have talent, but talent isn't enough.

arghh. just rambling.

* * *

sabi ng isang ex-classmate, "happy ka naman?"
sabi ko, "oo". with a smile.
sabi nya, "feeling ko, magiging direktor ka rin"
despite my disclaimers, i found myself smiling. pleased. hopeful.
"talaga? gut feel mo?"
she nodded.
looking back, naisip ko, ano nga ba ang pwede nyang isagot sa isang napaka-hopeful na "talaga? gut feel mo?" kundi isang convincing na "oo". kasi parang nakaka-burst nga naman ng bubble pag sumagot ka ng "hindi". haha.

* * *

i'm glad i met an old friend the other day. shet. miss ko na ang old friends.
kumain kami sa isang resto. this old friend, with a new friend, and another who could probably be a future friend. masaya naman, kahit maigsi lang. haha.

there are times when i would wish that things would go back the way they used to be. sa ibang friends. iba kasi pag bata pa kayo. wala kayong masyadong care sa mundo. mahilig pa kayong maglakwatsa. personally, limitado na lang ang social life ko ngayon sa jowa, workmates, at panaka-nakang meet-ups with friends. bigla ko tuloy na-miss mag-bar o mag-disco (ulp, so 90s, the term). magsasayaw like there's no tomorrow. uminom sa labas at makipagchochalan sa mga utaw. magfield-trip sa isang bagong gimik spot with fellow neophytes. magvideoke na parang lasing (kahit hindi lasing). makipagkulitan sa mga kaibigan na game makipagkulitan din sa yo. magtawanan lang nang magtawanan sa isang carpool of classmates, hanggang sa sumakit ang tiyan nyo. kiligin with girlfriends habang dinidiscuss ang mga crushes nyo.

miss ko ang mga ganun. masaya silang add-ons sa life. pero happy na rin ako, bro. happy naman po talaga, knock on wood. siguro nga habang tumatanda kailangan mong pakawalan ang ilang bagay sa buhay mo. like yung mga chances para gawin ang mga bagay na dati ay magagawa mo dahil bata ka pa at less ang responsibilities mo. kasi ngayon, isipin ko pa lang na gumimik, nanghihinayang na ko sa moolah. ipapambayad ko na lang yun ng kuryente. hehe.

eee. so i'm poor. but i won't be poor forever. *evil laugh*

hay! ang sarap mag-blog pagkatapos ng homework!
ang sarap gumawa ng kahit ano pagkatapos ng homework!
syet! napaka-opitmistic ko! mamamatay na ba ko?!

wee. morning has broken! ang hyper ko pa.

* * *

mabuti na lang si kris allen ang nanalo. dumagdag tuloy ang pogi points nya sa mga mata ko. fame can be a great beautifier. fame and power. ewan ko na lang kung it applies to girls as well. it sure applies to guys, as far as i'm concerned. lalo na't kras ko na si kris allen ever since idol began.

shet si hayden kho! just by looking at him, hindi mo iisipin na kinky ang hayup. mukha kasing little boy ang mga mata. syet, don't tell me nagkaka-kras ako sa kanya. EUUUW.
ka-birthday sya ng boyfriend ko. sabi ko sa boyfriend ko, HOY! KUNG MAGKAUGALI KAYO, I SWEAR TO YOU...!!! note lang, i said this way before his sex videos came out. so i wasn't referring to hayden's being kinky. i was referring to his being unfaithful (to vicky belo).

syempre, ang sagot nya: kung ako si hayden kho, ikaw si biiky belo. hah! feeling funny sya!
eh...to quote my headwriter: "dear, dear, dear...s'ya nga itong mataba e." haha. ang sarap ulit-ulitin nito sa kanya everytime tutuksuhin nya ko ng "mataba".

okay, try ko na matulog. i'm a vampire for punishment.

No comments: